Ted Failon posts bail for libel case filed by former MMDA chairman Francis Tolentino

IMAGE Courtesy: Failon Ngayon on Facebook

Umaasa ang kampo ni Ted Failon na mailipat sa korte sa Maynila ang libel case na isinampa laban sa kanya ni dating Metro Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino. Balwarte raw kasi ng mga Tolentino ang Tagaytay, Cavite. 


Naghain ng piyansa ang broadcast journalist na si Ted Failon sa Tagaytay Regional Trial Court (Tagaytay-RTC) ngayong Miyerkules, August 16.

Ito ay kasunod ng arrest warrant na inilabas ni Tagaytay-RTC Judge Ethel Gutay laban sa ABS-CBN anchor dahil nakitaan ng probable cause ang kasong libelo na isinampa ni dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.

Bukod kay Ted, naghain din ng piyansa sa nasabing korte ang tatlong staff ng Failon Ngayon, ang public service program ni Ted sa ABS-CBN.


Ayon sa ulat ni Henry Omaga-Diaz ng ABS-CBN News, ang libel case na isinampa ni Tolentino ay nag-ugat sa isang episode ng Failon Ngayon noong December 2016, kung saan tinalakay ang diumano’y maanomalyang pagbili ng MMDA ng mga motorsiklo.

Ang mga motorsiklong ito ay ginamit nang bumisita si Pope Francis sa Pilipinas noong January 2015.

Hindi umano dumaan sa bidding ang pagbili ng mga motorsiklo, kaya matapos lumabas ang Commission on Audit (COA) report, ibinalik daw ni Tolentino ang pera sa MMDA.

Matapos nito, nagsampa si Tolentino ng reklamong libelo laban sa TV Patrol anchor dahil nasira raw ang kanyang reputasyon.

Naghain naman ang kampo ni Ted ng mosyon sa Department of Justice (DOJ) na ilipat sa korte sa Maynila ang kaso dahil balwarte raw ng mga Tolentino ang Tagaytay, kung saan dating mayor si Tolentino.

Ang nakaupong mayor ngayon doon ay sister-in-law ni Tolentino, at ang congressman naman ay kapatid ng dating MMDA chairman. 

Samantala, ilang oras pagkatapos mag-post ng bail ni Ted ay tumungo siya sa Malacañang Palace upang tanggapin ang parangal mula sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) para sa kanyang anti-corruption campaign.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-abot ng parangal kay Ted at iba pang awardees.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN