Gary Estrada says he never asked son Kiko about his alleged video scandal

IMAGE Noel Orsal

Gary Estrada on son Kiko Estrada: "I always advise him to be careful sa mga sasabihin niya, sa gagawin niya, may backfire 'yan, e. I've been in the business for quite some time so alam ko na yung in and outs. Hindi naman totally expert pero, basically, I have an idea of the ins and outs of show business."


Ikinalungkot daw ni Gary Estrada ang pagkakasangkot ng anak niyang si Kiko Estrada sa isang video scandal noong 2016.

Bagamat itinanggi na ito ni Kiko sa mga nakaraan niyang interviews.

Si Kiko ay anak ni Gary sa dati niyang karelasyon na si Cheska Diaz.

“I felt sad, I felt sad,” sambit ni Gary.

Napanood ba niya ang sinasabing video scandal umano ni Kiko?

“Well, sa akin na lang, sa akin na lang,” pag-iwas ni Gary sa tanong.

Hindi rin daw niya kinausap si Kiko tungkol dito.

Paliwanag ng 46-year-old actor, “I never talked to him about it, kasi I had my share of things, bad things.”

Hindi naman daw siya nagalit kay Kiko.

“Hindi namin pinag-usapan, at ayaw ko ring pag-usapan.

“That’s why I always advise him to be careful sa mga sasabihin niya, sa gagawin niya, may backfire 'yan, e.

“I’ve been in the business for quite some time so alam ko na yung in and outs.

“Hindi naman totally expert pero, basically, I have an idea of the ins and outs of show business.”

Siya ba ay mayroon video scandal na itinatago?

“Sana naman huwag na akong umabot sa ganun! Ang tanda ko na!” humahalakhak na sagot ni Gary.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gary sa prescon ng GMA-7 primetime series na Alyas Robin Hood noong nakaraang linggo.


Stories We Are Tracking

Kiko Estrada, Jeric Gonzales speak up about video scandals
Kiko Estrada, Jeric Gonzales speak up about video scandals
Kiko Estrada denies viral nude photo
Kiko Estrada denies viral nude photo
Cheska Diaz refutes son Kiko Estrada's alleged video scandal
Cheska Diaz refutes son Kiko Estrada's alleged video scandal

GARY VS KIKO. Samantala, wala raw kaalam-alam si Gary na may ilang gay websites na pinagtatapat sila ng anak niyang si Kiko.

Mga larawan ito ni Gary noong binata siya at naka-trunks, at yung kay Kiko naman ay ang latest photo nitong shirtless.


May mga comment na boto sila sa anak, pero marami pa rin ang nagsasabing mas bet nila ang ama.

Natatawang reaksiyon naman dito ni Gary, “Wala akong masasabi kasi hindi ko alam kung ano yung pinag-uusapan natin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang hindi ako naniniwala.

“You should see my son now, I saw his videos, ang sipag-sipag niya, yung pagwu-workout, pagdyi-gym.

Patuloy niya, “I had my share, I wish I could be that well-built.

"Medyo lumaki ako dahil nga sa pulitika… mapapabayaan mo ang sarili mo.

“Hindi mo naman maiiwasan yung mga imbitasyon, mga inuman, mga handaan.”

Thankful naman daw si Gary na may nagpapantasya pa rin sa kanya.

Pangako pa niya, “Antayin nila yung pagbabalik ko, magpapaseksi ako ulit!

“I want to, bakit? To be honest with you, pinaayos ko yung gym ko sa Quezon.

“Napakaganda ng gym ko ngayon, so nai-inspire ako, lalung-lalo na pag tinitingnan ko yung mga picture ko dati.”

Kapag naibalik na niya sa dati ang kanyang katawan niya, handa ba si Gary mag-trunks muli sa pelkula at telebisyon?

“Kakayanin ko! Give me a couple of months, I’ll train,” sagot ng '90s hunk.

POLITICAL LIFE. Gumaganap si Gary bilang kapatid ni Dingdong Dantes sa pangalawang aklat ng Alyas Robin Hood.

Ayon sa aktor, nakatulong ito sa kanyang pagbangon mula sa pagkabigo sa pulitika.

Nakadalawang termino si Gary bilang Provincial Board member ng Quezon, pero noong 2016 elections ay natalo siya sa pagtakbo bilang vice governor.

Ayon kay Gary, “It’s a good break for me coming from an election na hindi tayo pinalad.

“Sa paglaban ko sa mas mataas na posisyon, medyo hindi nga ako pinalad.

“Siguro parang ito yung therapy ko kasi there was a time na hindi ako lumalabas ng kuwarto.

“Iniisip mo kung ano ang nangyari nung nakaraang eleksyon, kailangan mong pag-aralan kung saan ka nagkamali.

“Kailangang i-analyze lahat, at siyempre yung lungkot.

“Aminin na nating mahirap matalo sa isang eleksyon, lalung-lalo na sa pinagdaanan namin ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN