Kitkat slams bashers calling Arci Muñoz a "retokada beauty"

IMAGE Instagram

Kitkat's feisty message to bashers of Arci Muñoz: "Pinagtatanggol ko lng ang ibang tao dito sa post ko kagaya ni Arci! Walang karapatan ang kahit sino na idown sya, or pagsalitaan sya ng hindi maganda, lalo na pag mas maganda pa din sya kesa sa bashers!"


Inalmahan ng sexy comedienne na si Kitkat ang pambabatikos sa diumano’y pagpaparetoke ni Arci Muñoz

Kaugnay ito ng viral photos ni Arci, na pinuna ng netizens dahil sa umano’y kapansin-pansing pagbabago sa hitsura ng Kapamilya actress.

May netizens ang nagsasabing ipinaretoke ni Arci ang kanyang ilong at labi, habang ang iba naman ay naniniwalang epekto lang ito ng make-up tricks.


Stories We Are Tracking

Netizens spot the difference in Arci Muñoz's viral photos
Netizens spot the difference in Arci Muñoz's viral photos

Pahayag ni Kitkat sa kanyang Instagram post kahapon, August 16, “Pinagtatanggol ko lng ang ibang tao dito sa post ko kagaya ni Arci!

“Walang karapatan ang kahit sino na idown sya, or pagsalitaan sya ng hindi maganda, lalo na pag mas maganda pa din sya kesa sa bashers!

“Ang pangbabash ay hindi kinakaganda ng tao bagkus ikakapanget lalo at ikakalubog mo sa lupa dahil sa konsensyang wala ka!”

Aminado ang sexy comedienne na siya mismo ay “retokada.”

Ang salitang “retokada” ay pagtukoy sa taong sumailalim sa cosmetic surgery o surgical enhancement ng anumang parte ng katawan.    

Pag-amin ni Kitkat, “Anyways, ang salitang ‘RETOKADA’ or ‘retoke’ ay di nman bago sa akin dahil inaamin ko naman lahat ng gawa sakin which is ilong at boobs....

“at pakibasa bio ko para wag paulit ulit!!!

“at wala akong tinatago, lahat sinasabi at inaamin ko, so ung makapagsabi lng ng retokada ako, hindi ‘bash" sa akin un at di ako apektado FYI... MAY MA lang kasi eh!”

Maging si Kitkat ay nakararanas daw ng pambabatikos mula sa netizens dahil sa kanyang pagpaparetoke. 

Ngunit hindi raw niya ikinahihiya ito.

Sa katunayan, nakasaad pa mismo sa Instagram bio ni Kitkat na "enhanced" ang kanyang nose at boobs. 

Ngunit nanindigan ang sexy comedienne na hindi dahilan ang pagpaparetoke ng isang tao upang magkaroon ang bashers ng lisensiya na siraan o laitin ito.

“PAALALA... NOT REALLY FOR ME! Tumatayo ako para sa mga artistang binabash ng bashers...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“HINDI MAGANDANG MANGDOWN NG IBANG TAO DAHIL TINGIN NYO AY MAS NAKAKATAAS KAYO SA KANYA....

“lahat ng tao Artista o Hindi, tao yan! kung pano kayo masaktan ganun lahat, lalo mga kapwa pilipino tayo!”

Paalala pa ni Kitkat sa netizens, base sa quote card ng kanyang Instagram post:

"Mang bash ka pag sigurado kang mas maganda ka ha!!!

"Kung makinis ka at attractive ka ha!

"Kung panget ka! Wala kang karapatan!"

PAALALA ??????????????? NOT REALLY FOR ME! Tumatayo ako para sa mga artistang binabash ng bashers... HINDI MAGANDANG MANGDOWN NG IBANG TAO DAHIL TINGIN NYO AY MAS NAKAKATAAS KAYO SA KANYA.... lahat ng tao Artista o Hindi, tao yan! kung pano kayo masaktan ganun lahat, lalo mga kapwa pilipino tayo! Anyways, ang salitang "RETOKADA" or "retoke" ay di nman bago sa akin dahil inaamin ko naman lahat ng gawa sakin which is ilong at boobs.... at pakibasa bio ko para wag paulit ulit!!! at wala akong tinatago, lahat sinasabi at inaamin ko, so ung makapagsabi lng ng retokada ako, hindi "bash" sa akin un at di ako apektado FYI... MAY MA lang kasi eh! Pinagtatanggol ko lng ang ibang tao dito sa post ko kagaya ni Arci! Walang karapatan ang kahit sino na idown sya, or pagsalitaan sya ng hindi maganda, lalo na pag mas maganda pa din sya kesa sa bashers! Ang pangbabash ay hindi kinakaganda ng tao bagkus ikakapanget lalo at ikakalubog mo sa lupa dahil sa konsensyang wala ka! SALAMAT

A post shared by KITKAT >sexy comedian/singer (@favkitkat) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN