Jinri Park happy for ex-boyfriend Cholo Barretto's relationship with Ryza Cenon

IMAGE Noel Orsal

Jinri Park on crush Jericho Rosales: "I was a fan of him since before pa. Before showbiz pa, I was a fan. So when I met him, kasi I was a radio DJ before, and then he guested on the show… I cried! Kasi I was so, like, starstruck! I was like, 'Oh, my God!'"


Masaya raw ang Korean actress-TV host na si Jinri Park para sa ex-boyfriend niyang si Cholo Barretto at kasalukuyan nitong girlfriend na si Ryza Cenon.

Bagamat pareho silang nasa Kapuso network, hindi pa raw nami-meet ni Jinri si Ryza nang personal.

“But they look so good together, they look happy, so I’m happy for them,” sabi niya.

Ayon kay Jinri, single siya ngayon at two years ago pa ang huling relasyon niya with a Filipino businessman.

Sa ganda at seksi ni Jinri ay wala raw siyang manliligaw ngayon.

“Can you introduce someone to me?” natatawang biro niya.

Baka choosy siya?

“No, hindi ako choosy, ha!” tanggi niya.

“My manager always says, ‘Choose your boyfriend wisely!’”

Kahit artista ay wala raw nanliligaw sa kanya ngayon.

Baka naman nai-intimidate ang mga lalaki sa kanya dahil siya si Jinri Park?

Tugon niya, “I’m not intimidating.

“Grabe naman, there’s so many artistas mas maganda or mas popular, pero they make ligaw to them.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jinri sa grand launch ng upcoming Kapuso primetime series na My Korean Jagiya, na ginanap sa K-Pub restaurant, sa TriNoMa Mall, noong Lunes, August 14.

SHOWBIZ CRUSH. Si Jericho Rosales daw ang crush ni Jinri.

Sabi ng Korean celebrity, “Super-bait niya and then down-to-earth siya.

“I was a fan of him since before pa. Before showbiz pa, I was a fan.

“So when I met him, kasi I was a radio DJ before, and then he guested on the show… I cried!

“Kasi I was so, like, starstruck! I was like, ‘Oh, my God!’

“Super-fan! ‘Can you autograph... pa-autograph!’”

Engaged na raw si Jericho noong panahong iyon.

Sa mga nakasama niya sa Encantadia ay wala raw naging crush si Jinri dahil mas bata sa kanya ang mga ito.

“Like, sina Ruru [Madrid], di ba, mga eighteen, nineteen... ganyan?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Twenty-nine years old na si Jinri. Pero mas gusto raw niya ang older men.

PINAY AT HEART. Si Jinri ay pure Korean, pero 20 years na siyang naninirahan sa Pilipinas.

Sabi niya, “I grew up in Cebu, ever since I was six years old, tapos I moved to Manila for college.”

Nang nalaman daw ni Jinri na marami siyang makakasamang Korean actors sa My Korean Jagiya ay natuwa siya.

“Super happy kasi the first time na Korea and Philippines meet and joined, di ba?

“And I’ve been living in the Philippines for mga twenty years, Korean ako, so I feel like this is a great project for me, especially kasi I speak all three languages.

“So, I am super happy!” sabi niya.

Fluent si Jinri sa English at Korean.

“At konting Tagalog, Taglish,” banggit pa niya.

Nagsimula bilang modelo, radio DJ at columnist, ang mga show ni Jinri sa GMA-7 bago ang My Korean Jagiya ay ang Juan Happy Love Story at Encantadia.

Freelancer si Jinri kaya nakakatawid siya sa iba’t ibang TV networks.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN