Robin Padilla donates P5M for Marawi children

IMAGE Facebook photo of Robin Padilla

Robin Padilla: "Ang panalangin ng mga Muslim Filipinos hindi lamang ng mga kapatid na Moro kasama na rin ang ating mga Kababayan na patuloy na nagdarasal para sa mabuting kahihinatnan ng MARAWI ay may malinaw na kasagotan na po ALLAH HU AKBAR!!!"


Nagbigay si Robin Padilla ng P5 million na donasyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga kabataan sa Marawi City.

Saksi si President Rodrigo Duterte sa pag-turnover ni Robin ng kanyang donasyon sa Malacañang kahapon, August 16. Ito ay tinanggap ni DSWD Undersecretary Emmanuel Leyco.

Base sa press release na inilabas ng Malacañang, layon ng DSWD na gamitin ang natanggap na tulong mula sa aktor sa gagawin nilang psycho-social intervention program para sa mga kabataang naapektuhan ng pag-atake ng mga terorista sa Marawi.

Tinatayang nasa 700 na ang nasawi at 400,000 residente ang na-displace dahil sa patuloy na digmaan sa pagitan ng militar at mga terorista.

Samantala, nagpapasalamat naman si Robin sa mga positibong plano ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng Marawi.

Sa kanyang social media post, sinabi ng aktor, “Sa ngalan ng Panginoong ALLAH ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin.

"Ang araw na ito ay pinagpala ng kanyang habag at awa sapagkat ang panalangin ng mga muslim filipinos hindi lamang ng mga kapatid na Moro kasama na rin ang ating mga Kababayan na patuloy na nagdarasal para sa mabuting kahihinatnan ng MARAWI ay may malinaw na kasagotan na po ALLAH HU AKBAR!!!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN