Vice Ganda issues public apology to Tony Calvento; Calvento accepts Vice's apology

IMAGE Facebook photos

Vice Ganda and Tony Calvento bury the hatchet after a misunderstanding between them happened last week. This Thursday, August 17, Vice Ganda publicly apologized to the journalist. Later on, Tony posted a message on Facebook stating that he accepts Vice's apology. 


Pagkatapos ng ilang araw ay nagkaayos na ang TV host-comedian na si Vice Ganda at ang batikang journalist na si Tony Calvento.

Sa episode ng It’s Showtime ngayong Huwebes, August 17, personal na humingi ng paumanhin si Vice kay Calvento.

Ito ay kaugnay ng ginawang pagkukumpara ni Vice kay Calvento sa isang contestant ng "Tawag Ng Tanghalan" noong nakaraang linggo.

Simula ni Vice, “I just would like to personally apologize nga pala.

"Kasi last time, I wasn’t able to personally say my apologies to Mr. Tony Calvento, who got offended when his name was dragged during the discussion noong nakaraang linggo.”

Patuloy niya, “Pasensiya na po kayo. I personally apologize.

“Pasensiya na kayo naantala dahil ako’y nasa Korea.” 

Ayon pa kay Vice, tinawagan din niya ang journalist upang personal na humingi ng dispensa sa kanyang nagawa.

“Gayunpaman nakausap ko naman siya.

"Tumawag ako sa kanya’t nag-apologize na rin ako personally.

"At ito, gusto ko pa ring gawin. Pasensiya na po. I apologize," pagtatapos ni Vice.

APOLOGY ACCEPTED. Kaagad namang nag-status sa kanyang Facebook account si Calvento upang ipahayag na tinatanggap niya ang paghingi ng paumanhin ni Vice.

Ayon sa post ng ng journalist: “VICE'S PERSONAL APOLOGY ACCEPTED.
ALL IS WELL. LET'S MOVE ON VICE.”

Kalakip ng post ni Tony ay ang isang picture ni Vice.

THE ISSUE. Nagsimula ang isyu sa pagitan nina Vice at Calvento nang ikumpara ng comedian ang "Tawag Ng Tanghalan" semi-finalist na si John Mark Saga sa batikang journalist sa episode ng It's Showtime noong August 11.

Kinabukasan, August 12, Sabado, binasa ni Billy Crawford sa kanilang programa ang letter of apology ni Vice kay Calvento.

Wala si Vice noong araw na iyon dahil lumipad siya patungong South Korea.

Subalit hindi ito tinanggap ni Tony, at sinabing hihintayin niya ang personal apology ni Vice na dapat sana ay gagawin nitong Miyerkules, August 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayong Huwebes lamang nakabalik si Vice mula South Korea. 


Stories We Are Tracking

Vice apologizes to Tony Calvento over comparison
Vice apologizes to Tony Calvento over comparison
Tony Calvento threatens to sue Vice Ganda, <em>It's Showtime</em>
Tony Calvento threatens to sue Vice Ganda, It's Showtime


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN