Alyana Asistio very much okay in case mom Nadia Montenegro finds love again

IMAGE Noel Orsal

Alyana Asistio says mom Nadia Montenegro is not that vocal when it comes to her problems. "Ang sinasabi namin sa kanya, bawat decision niya, sana tanungin niya kami para alam namin. Kasi minsan, biglaan siya, e. Gusto namin alam namin para… Minsan kasi, bitaw lang siya ng bitaw ng desisyon, tapos biglang magsisisi siya."


Hindi raw hahadlangan ni Alyana Asistio at ng kanyang mga kapatid kung sakaling makahanap ng bagong pag-ibig ang kanilang ina na si Nadia Montenegro.

Pumanaw na ang ama ni Alyana na si dating Caloocan City Mayor Macario 'Boy' Asistio noong February 6, 2017.

Ayon sa newbie actress, “Ako po, alam niyo, kung nandito po si Daddy... kasi hindi po selfish si Daddy.

“Alam namin na kung saan masaya si Mommy, okay lang sa kanya.

“And walang ginawa si Mommy kung hindi suportahan kaming magkakapatid sa lahat.

"So, siguro hindi naman po masama na suportahan din namin siya if ever man po na ma-in love siya ulit."

Sabi pa ni Alyana, apektado rin sila kapag may namba-bash sa kanilang ina.

“Si Mommy po kasi, ano siya, ayaw niyang sinasabi sa amin ang problema niya.

“Nagugulat na lang siya kapag alam na namin or pag…

"Inaaway namin siya na, ‘Kaya nga ang dami mong anak, kasi best friends mo rin kami, kuwentuhan mo rin kami.’

“Kasi ako po, lagi kong sinasabi sa mga kapatid ko, ‘Kaya nga binless ka ni God ng maraming kapatid, para kami yung kuwentuhan mo, kami yung maging kaibigan mo.’"

Walong magkakapatid sina Alyana.

Patuloy niya, “Iyon din yung sinasabi namin kay Mommy.

"Kasi po, sa mga nangyari din kay Mommy dati, ang dami na ring kaibigan yung umiwan sa kanya, iniwan siya sa ere ng panahon na kailangang-kailangan niya."

EASY TO FORGIVE. Madali raw kasing magpatawad ang ina kaya pinagsasabihan nila itong kausapin silang magkakapatid bago gumawa ng desisyon.

“Tapos support kami, support kami.

"Pero ang sinasabi namin sa kanya, bawat decision niya, sana tanungin niya kami para alam namin.

“Kasi minsan, biglaan siya, e. Gusto namin alam namin para…

"Minsan kasi, bitaw lang siya ng bitaw ng desisyon, tapos biglang magsisisi siya.

“Gusto namin nandun kami, kahit kaming apat na matatanda na magkakapatid, para lang hindi siya magsisi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nakagabay kami sa kanya.

“Kasi alam namin, kung hirap kami sa pagkawala ni Daddy, mas hirap siya din ilang taon,” aniya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alyana sa presscon ng pelikulang Woke Up Like This.

THE GOOD DAUGHTER. Paano siya nakaka-move on sa pagkawala ng daddy niya?

“Paggising ko, araw-araw, ang una kong kinakausap si God talaga, tapos si Daddy, na sana maging maayos yung araw na ito, ganyan. 

“Kasi nung nandito siya, sa kanya ako humuhugot talaga ng lakas.

“Kaya every week po, bumibisita ako sa kanya," pagtukoy ni Alyana sa puntod ng namayapang ama.

Patuloy niya, “Pag pumupunta ako dun kahit every week, umiiyak pa rin ako.

“Natutuwa rin po kami dahil sa kanya, naging mas matatag kaming magkakapatid tsaka si Mommy.”

I don't know where to start about my dad's birthday today???? thinking about it and realizing you won't be here makes everything different.. I kept looking at the clouds praying to see a glimps of your smile or better your face. Hi dad! May movie nanaman ako. Namimiss ko mga pangaasar mo.. naalala ko pag kikwento ko sayo na natanggal ako sa show or movie tapos iiyak ako ng sobra kasi naskatan ako.. tapos sasabihin put****** hayaan mo sila Anak, pag yumaman tayo gagawa tayo sarili nating production tapos IKAW BIDA! Ikaw director, Ikaw utility, Ikaw cameraman Ikaw lahat.. tapos makakalimutan ko na yung sakit na nararamdaman ko kasi napatawa mo ko.. miss na miss ko yung mga turo mo, yung Ingay ng bakya mo, yung chan mo, tawa mo, tawag at pag text mo ng pretty, LAHAT.. HAPPY BIRTHDAY SA UNA AT HULING LALAKI NA MAMAHALIN KO HABANG BUHAY. I love you so much daddy!????????????? im still hurting inside but today i will try to put a smile on face because I know yun gusto mo and alam ko blessing tong bago kong work. I love you very much and happy birthday!? thank you for loving me so much like I was a perfect daughter. Thank you dad?

A post shared by Alyana Asistio (@alyanaasistio) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN