Is Rey 'PJ' Abellana ready for daughter Carla to marry Tom Rodriguez?

IMAGE Noel Orsal

Rey 'PJ' Abellana on the possibility of daughter Carla Abellana marrying her boyfriend Tom Rodriguez: "The way I see it, nangingibabaw siya diyan. It's always the girl who gives the signal. 'Ngayon na!' 'Next year na!' 'Bukas na!' 'Halika na!' Di ba? Pero kung ayaw ng girl, iyan yun, e. I don't picture na ang lalaki ang made-delay."


Ayon kay Rey ‘PJ’ Abellana, hindi pa nagpapaalam sa kanya ang anak na si Carla Abellana, 31, at ang boyfriend nitong si Tom Rodriguez, 29, para magpakasal.

“Wala pa rin! Wala pa. Nakakarinig nga ako, pero dati ko nang naririnig iyan, wala pa rin, e,” sabi ng batikang aktor.

Pero handa na raw si Rey kung magdesisyon ang dalawa na lumagay na sa tahimik.

Saad niya, “Of course! Si Carla, she’s aging, you know?

“Si Carla, matagal na… the truth there, matagal na siyang nagtitiis para sa career niya. Alang-alang sa career niya.

“Yung para mag-settle down, iyon ang tinitiis niya.”

Mas naka-focus daw muna si Carla sa showbiz career nito.

Ayon kay Rey, “Pina-prioritize niya yun, ganun si Carla, e.

“Yung when she gets into something, priority yun sa kanya.

“Pinahahalagahan niya 'yan. Hindi ‘yan paganun-ganun lang."

Kuwento niya, “Parang yung schooling niya dati, imagine, every day she goes home to Quezon City.

“Every day, she travels sa La Salle-Taft! Nakuha pa rin niyang mag-graduate nang cum laude.

“You could imagine the travel alone, the travelling alone, laspag ka na nun.

“So, how could you concentrate better kung laspag ka na, sa biyahe pa lang? Sa traffic pa lang?

“So, ganun siya dedikado, may intensity.”

Patuloy ng Alyas Robin Hood actor, “Iyan ang nakuha niya sa akin.

“I would like to emphasize that, kasi iyan ang nakuha niya sa akin, yung may intensity, may intensity in everything you do.

“So, pag may intensity ka in anything you do, maganda ang progress nun, yung outcome.

“Very positive ang outcome kasi may intensity, e.

“Iba yung pahinay-hinay ka lang, pa-relax-relax ka, ganun lang din ang ending nun, something like that, yung logic itself.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rey sa grand launch ng book two ng GMA-7 primetime series na Alyas Robin Hood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

APPROVES OF TOM. Okay na siya kapag nagpaalam sina Carla at Tom na magpakasal?

“Ako, yes of course, oo! Ready tayo diyan kasi diyan naman din ang pupuntahan, e!” sabi ni Rey.

Boto siya kay Tom bilang manugang?

Tugon ng ama ni Carla, “She knows best for herself. Alam niya, kasi may utak naman ‘yan.

“Kita mo, as I said, nagtitiis nga siya for the sake of her career.

“Pati ang settlement, yung magse-settle down, palagay ko ilang beses nang napag-uusapan nila ‘yan… sa tingin ko.”

Na nade-delay dahil sa career muna nakatutok si Carla?

Sabi ni Rey, “The way I see it, nangingibabaw siya diyan.

“It’s always the girl who gives the signal. ‘Ngayon na!’ ‘Next year na!’ ‘Bukas na!’ ‘Halika na!’

“Di ba? Pero kung ayaw ng girl, iyan yun, e. I don’t picture na ang lalaki ang made-delay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN