Roxanne Barcelo not yet ready to settle down with boyfriend Will Devaughn

IMAGE Noel Orsal

Naka-focus pa raw si Roxanne Barcelo at nobyong si Will Devaughn sa kani-kanilang mga karera kaya hindi pa nila napag-usapan ang pagpapakasal. "May mga dreams pa kami para sa sarili namin, para sa mga parents din namin," sabi ng aktres.


Apat na taon na ang relasyon nina Roxanne Barcelo, 33, at Will Devaughn, 35, pero hanggang ngayon ay wala pa raw sa isipan nila ang lumagay sa tahimik.

Kahit daw ang pagli-live in ay hindi sumagi sa kanilang isipan.

Paliwanag ni Roxanne, “Live in? Hindi pa.

"Sa Commonwealth, as in every day ako umuuwi kina Mother, ganung levels.

“Honestly, very independent naman si Will at ayokong mag-impose ng kahit na ano, na next level.

“Kasi mahirap, e, mahirap mag-impose ng next level na ganun. Kasi ako din yung mapapasubo.

“Siyempre I’ve heard stories, and I’m sure it’s easy for some who are more independent.

“Ako kasi, nasa side ako na pagka nabigyan kami ng pagkakataon na to go to the next level, sana I’ll do it right, we'll do it right.”

Pero napag-uusapan naman nila ang pag-aasawa in the future?

Tugon ng Wildflower actress, “I think in any relationship naman, napag-uusapan yung future, napag-usapan namin yun before.

“Hindi kasi sa akin ang cue, di ba?

"And at the same time, tutok kami pareho sa trabaho at gusto naming mag-ipon talaga.

“May mga dreams pa kami para sa sarili namin, para sa mga parents din namin.”

Sa ngayon daw ay naka-focus si Roxanne sa kanyang acting projects, samantalang si Will naman ay sa negosyo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Roxanne sa presscon ng pinagbibidahan nilang pelikula ni Will, ang I Found My Heart in Sta. Fe, na ginanap sa Victorino's Restaurant, Quezon City, kahapon, August 16.


THE MOVIE. Ayon kay Roxanne, walang naging ilangan sa kanila ng nobyo habang sinu-shoot nila ang pelikula sa Sta. Fe, isang isla na bahagi ng famous Bantayan Islands sa Cebu.

Ang pelikula ay tungkol sa isang island girl na naghahanap ng pag-ibig.

Matatagpuan niya ito sa isang foreigner na bakasyunista sa kanilang pagmamay-aring resort.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa istorya ng pag-ibig, ipapakita rin dito ang virgin beaches ng nasabing bayan.

Ang I Found My Heart in Sta. Fe ay bahagi ng CineLokal at ipalalabas sa ilang piling sinehan simula sa September 15.

Ito ay mula sa direksiyon ni Bona Fajardo ng BluArt Productions.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN