Gil Cuerva laughs off 'parking-lot miracle' with director Joyce Bernal

IMAGE Noel Orsal

Gil Cuerva on handling bashers: "Why focus on something that will be detrimental to you instead of focusing on something that will be good to you? In my case, why should I focus sa lahat ng bashing, sa lahat ng hate, when I could be focusing on my workshop, with my acting, with what my next project is."


Pinagtatawanan lang daw ni Gil Cuerva ang kumalat na balitang nahuli raw siya at ang kanyang direktor sa My Love From The Star na si Joyce Bernal na "may ginagawang milagro" sa isang parking lot, habang nagte-taping para sa katatapos lang na primetime series ng GMA Network.

Ang My Love From The Star ang unang teleserye ni Gil kung saan nakapareha niya si Jennylyn Mercado.

Pahayag ni Gil tungkol dito, "You know, stuff like that, tinatawanan na lang namin...

"Ano ba 'yan, for people to come up with something like that, nakakatawa."

Sa hiwalay na panayam ay tinawanan din ni Direk Joyce ang balitang ito.

Sa kabila ng isyung ito, hindi naman daw naapektuhan ang pagkakaibigan sa pagitan nina Gil at Direk Joyce.

Sabi ng model-turned-actor, "It's okay, I mean, it's [part of showbiz]...

"Direk Joyce and I, our relationship off set, talagang...

"Basta it's something that we just really laugh about, like, balewala lang 'yang ano...

"We're great friends off set and I learned so much [from her].

"Aside from a great friend, she's also a mentor.

"So, you know, every time I'm with Direk Joyce, I'm also learning."

Nakapanyam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News si Gil sa 22nd birthday party nito, kasama ang kanyang fans, na ginanap sa Bengal Brew / Wolf & Bear cafe sa Cubao, Quezon City, ngayong Huwebes, August 17.

KEEPING FOCUSED. Samantala, hindi raw iniinda ni Gil ang mga negatibong komentong natatanggap niya sa social media.

Paliwanag niya, "Why focus on something that will be detrimental to you instead of focusing on something that will be good to you? 

"In my case, why should I focus sa lahat ng bashing, sa lahat ng hate, when I could be focusing on my workshop, with my acting, with what my next project is.

"I'd rather divert all my focus there."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng Kapuso talent, "Though, from time to time, pag nagiging personal na, if they're attacking my family minsan, that's where you step in.

"If it's just me, that's okay.

"But if you attack my family, my friends, that's where you step in.

"There's a fine line when to step in and when not to."

Marami na rin daw siyang natutunan sa pag-handle ng bashers, lalo't minsan na rin siyang sumagot sa mga ito.

"You learn your lesson, I think that's the more important thing.

"After each mistake that you make, it's about learning your lesson.

"I think I had to learn it the hard way, pero nonetheless, I was thankful to learn that lesson."


Stories We Are Tracking

Gil Guerva doesn't mind
Gil Guerva doesn't mind "sex object" tag
Gil Cuerva admits
Gil Cuerva admits "culture shock" when he joined showbiz
Gil Cuerva takes a break from Twitter to avoid bashers
Gil Cuerva takes a break from Twitter to avoid bashers

CAREER PROGRESS. Ikinatuwa naman ni Gil ang komento ni Direk Joyce na tila nabitin siya sa tambalan ng newbie actor at ni Jennylyn sa My Love From The Star, kaya nag-iisip na ito ng posibleng proyekto para sa dalawa.

Reaksiyon ni Gil, "For her to say na parang bitin yung show, I guess it's a good thing for me; not just me, but also Jennylyn.

"It means na Direk Joyce still wanted to work pa, still wanted to give something to the show.

"She really gave her everything, she really gave her everything for the show."

Sa ngayon, nais munang mag-focus ni Gil sa workshops upang mapagpabuti ang kanyang acting skills.

Ngayon araw ang huling session ni Gil at iba pang Kapuso artists sa three-day acting workshop kasama ang New York City-based acting coach na si Anthony Vincent Bova.

Bukas naman daw ang pinto ni Gil kung sakaling maiparehang muli kay Jennylyn o kung sinumang aktres.

"I'd be happy to work with anyone, actually.

"Whether that'd be Jennylyn or ibang leading lady, I'm completely fine.

"The more important thing is, as a leading man, to make them feel loved and beautiful at all times."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN