Aiza Seguerra reveals sacrifices of being a public servant

IMAGE Photos from Facebook

National Youth Commission Chairman Aiza Seguerra opens up about the challenges and difficulties of being a public servant. 


Inamin ni National Youth Commission (NYC) Chairperson Aiza Seguerra na hindi naging madali ang transisyon mula sa pagiging isang artista at maging isang government official.

“Yun din pala ang kakaiba sa government work, talagang walang oras.

"Dahil yung buong panahon mo, ibinibigay mo sa service,” pag-amin ng singer sa episode ng ABS-CBN morning program na Magandang Buhay, ngayong Huwebes, August 17.  

Pati raw weekend ay nakakain ng trabaho niya.

Ibinahagi rin ni Aiza ang pagkakaiba ng sistema sa showbiz at gobyerno.

“Ang mahirap siguro sa transition, dito sa showbiz, mabilis tayong gumalaw, e.

"Kapag may gusto kang mangyari, gawa, gawa, gawa...

“Unlike sa government, ang dami mong kailangang daanan, Dios mio! Naku, grabe!”

Pag-amin pa ni Aiza, marami siyang proyektong isinuko sa ngalan ng serbisyo publiko.

“Actually, I’m supposed to do an album. I was supposed to do two soaps already.

"But I had to say no because of public service,” sabi ng singer.

Pagbabahagi naman ni Liza Diño, partner ni Aiza at chairperson ng Film Development Council of the Philippines, muntik nang magbitiw si Aiza bilang NYC chair.

Kuwento ni Liza, “Tough at first. There was even a point that he wanted to quit.

“Nag-start siya ng consultation sa mga kabataan, nagpunta siya sa communities, nagpunta siya sa indigenous people.

"I think that’s how he realized na [gusto niyang makatulong sa iba].”

Aminado naman si Aiza na malaking responsibilidad talaga ang pagiging chairman ng NYC.

“Ang hirap lang kasi dahil, of course, malaking-malaki yung youth, e.

“And siguro ako ngayon, sans the politics and everything, but nakatuon ako sa ahensiya ko at pinagsisilbihan namin.”

Gayunpaman, sinabi ni Aiza na ang pagmamahal sa kanyang trabaho ang pinaghuhugutan niya ng lakas upang ipagpatuloy ito sa kabila ng mga sakripisyo.

“Actually, I think we celebrated our one year yesterday sa public service, and siguro hindi kami tatagal if wala ang puso namin dun,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN