Gerald Anderson excited about possible Daniel Padilla-Paul Salas basketball match

IMAGE Noel Orsal (Gerald)/Instagram photos of Star Magic (Daniel) and Paul Salas

Gerald Anderson on Daniel Padilla-Paul Salas Twittter war about basketball: "Ito ang drama behind everything. That's why everybody is so affected by it, kasi nga may pride and may joy."


Suportado ni Gerald Anderson ang posibleng maganap na basketball game match nina Daniel Padilla at Paul Salas.

Ngunit bago pa siya ma-misinterpret ng publiko, nilinaw ng AWOL actor na gusto niya ang nangyaring paghahamunan ng dalawang kapwa niya Kapamilya stars dahil tungkol ito sa sports.

Nakangiting sabi ni Gerald, “Sorry, natutuwa ako, kasi it's about sports.

“Ito ang drama behind everything.

“That's why everybody is so affected by it, kasi nga may pride and may joy.

“Ang sarap para sa akin, you know... why not?”


Stories We Are Tracking

Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Karla Estrada eases Daniel Padilla-Paul Salas tension
Karla Estrada eases Daniel Padilla-Paul Salas tension

Gayunman, may isang paalala si Gerald kung sakaling matuloy ang paghaharap nina Daniel at Paul sa basketball.

“Siyempre naman, hanggang diyan lang naman. It shouldn't get personal or anything.

“But you know, knowing us, we take everything personal. Ganun talaga.

“It just shows na hindi showbiz ang mga taong nanonood sa loob, e.”

Kung sakali, sana ay kagaya lang din daw ang isyung ito sa insidenteng nangyari sa pagitan nina Daniel at JC de Vera sa Star Magic All-Star Basketball Game noong Linggo, August 13.

Pahayag ni Gerald, “Like that, kung ano ang nangyari kay JC and Daniel, it wasn't anything serious, but it's great, kasama sa game.

“It shows kung gaano ka-passionate ang mga tao, part siya ng game, drama.”

Nang tanungin kung sino kina Daniel at Paul ang kakampihan niya sa basketball, tumawa lang si Gerald.

Sambit pa niya, “Problema nila 'yan, kaya nila 'yan.”

Samantala, masaya naman daw si Gerald dahil ang koponan nila ang nag-champion sa Star Magic All-Star Basketball Game ngayong taon.

Si Gerald ang team captain ng Blue Team, si Daniel naman sa Red Team.

Ang koponan nina Daniel ang nanalo sa unang Star Magic All-Star Basketball Game noong nakaraang taon.

Ngayong tie na ang dalawang koponan, papayag ba siyang muling makipaglaro sa susunod na taon?

“Let's see. Pero mukhang iba na ang maglalaban, e, hindi na kami,” biro ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seryosong dugtong niya, “Why not? As long as nakakapagbigay ng saya sa tao, nakakapag-enjoy din kami.

“Sobrang passionate kami sa game, ibinigay namin lahat sa nakanood, nakita naman nila, so why not?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN