Vice Ganda finally speaks up about Noven Belleza sexual assault case

IMAGE Noel Orsal

Nabigla raw si Vice Ganda sa nangyaring pag-aresto kay Noven Belleza sa venue ng kanyang concert sa Cebu noong Hulyo. Malaki naman ang pasasalamat ng It's Showtime host sa mga pulis dahil pinatapos muna nila ang kanyang konsiyerto bago arestuhin si Noven. 


Nagsalita na sa wakas si Vice Ganda tungkol sa sexual assault case na kinasasangkutan ng "Tawag ng Tanghalan" champion na si Noven Belleza.

Nangyari ang pag-aresto ng mga awtoridad kay Noven pagkatapos ng concert ni Vice na Pusuan Mo Si Vice Ganda Sa Cebu, sa IEC Pavillion, Barangay Mabolo, Cebu City, noong July 15.

Guest ni Vice si Noven sa nasabing concert.

Ayon kay Vice, sensitibo ang nasabing uusapin kaya mas pinili niyang huwag munang magkomento rito.

Pahayag ng It’s Showtime host, “Unang-una, that is a very sensitive issue.

"Na, I cannot really comment about something na I’m not fully aware of.

“Di ba nga, pag dumadaldal ako at pag nagkamali ako… kaya hindi na ako nagsasalita.”

Ngunit aminado si Vice na nagulat siya sa pangyayari.

“Of course, I was shocked. Na-shock ako dun kasi nangyari dun sa concert ko.

"Pero nagpapasalamat din ako sa mga kapulisan ng Cebu, kasi ang bait nila.

"Pinatapos nila yung concert ko at ginawa nila nang mapayapa at hindi agaw-eksena.

“Mababait din sila talaga.”

Madaling-araw na natapos ang konsiyerto ni Vice at kasunod nito ang pag-aresto kay Noven.

Isang babae ang naghain ng reklamo laban sa singer dahil diumano sa panggagahasa nito sa kanya.

Ngunit mula sa rape complaint ay ibinaba ni Cebu City Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casiño sa sexual assault ang reklamong isinampa laban kay Noven.


Stories We Are Tracking

Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
Prosecutor downgrades Noven Belleza case to sexual assault
Prosecutor downgrades Noven Belleza case to sexual assault

Nakapag-usap na ba sila ulit ni Noven?

Tugon ni Vice, “Hindi na, e, kasi dire-diretso ang trabaho ko, at saka siya rin, e, may mga trabaho.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa grand opening ng District 8 Gastropub, sa G-Strip Greenhills, San Juan City, kagabi, August 17.

Isa si Vice sa walong nagmamay-ari nito.

Part-owner din si Daniel Padilla sa gastropub.

Sinuportahan naman sila ni Miss Universe Pia Wurtzbach 2015, na kasama nina Vice at Daniel sa ginagawa nilang pelikula ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN