Pia Wurtzbach bashed for "prioritizing" terrorist attack in Spain over Philippine issues

IMAGE Noel Orsal

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach is being accused by netizens of "prioritizing" the tragic event in Barcelona, Spain, when unfortunate events in the Philippines, like the Marawi City war and extrajudicial killings, also need attention. 


Nilinaw ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na aware siya sa mga nangyayaring isyu sa Pilipinas.

Ito ay matapos mag-react ang netizens sa kanyang post tungkol sa nangyaring terrorist attack sa Barcelona, Spain.

Sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes, August 18, nagbigay ng mensahe ng pakikiramay si Pia sa mga apektado ng trahedya sa Spain.

Isang ISIS-related attack ang naganap sa Barcelona nitong Huwebes, August 17, kung saan 13 ang naiulat na nasawi at 100 ang nasaktan.

NETIZENS REACT. Hindi ito nagustuhan ng ibang netizens at binatikos nila si Pia.

Ayon sa mga nagkomento, bakit inuuna pa raw ng Pinay beauty queen ang panawagan na ipagdasal ang nangyaring insidente sa ibang bansa, gayong may sariling hamon na kinahaharap ang Pilipinas, gaya ng gulo sa Marawi City at diumano’y mga kaso ng extrajudicial killing.

Laman ng balita at social media ang mga kaso ng pagpatay kaugnay ng anti-drug campaign ng pamahalaan.

Nitong nga lamang Miyerkules, August 16, 32 ang naiulat na namatay sa Bulacan.

Habang 25 naman ang nasawi sa Maynila sa kamay ng mga pulis noong Huwebes ng gabi, August 17.




Hindi nagtagal, in-edit ni Pia ang kanyang post.

Mensahe niya sa mga kritiko, huwag isiping hindi niya alam ang sitwasyon sa Pilipinas.

“PS Please don't think I'm unaware of the situation in the Philippines also.  #PrayForThePhilippines #PrayForMarawi”


May mga nagpasalamat naman sa pag-update ni Pia ng kanyang post, samantalang nanawagan naman ang iba na itigil ang pamba-bash sa beauty queen-actress.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN