James Yap reveals he has not seen son Bimby in 8 months

IMAGE Noel Orsal

Umaasa si James Yap na pagdating ng araw ay maayos din ang relasyon nila ng anak na si Bimby. Nahihirapan daw kasi siyang ipilit ang sarili sa anak, na ramdam daw niyang ayaw sa kanya. 


May lungkot sa boses ng PBA player na si James Yap nang sabihing matagal-tagal na niyang hindi nakakapiling ang anak kay Kris Aquino na si Bimby Aquino-Yap.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kailan sila huling nagkita ni Bimby.

Pabirong sagot ni James, “Gusto mo bang sagutin [ko] ‘yan? Pakiulit nga?

At saka niya sinabing, "Eight months."

Seryosong dagdag ng Rain or Shine player, “After nung pumunta sa bahay nung New Year... actually mag-overnight sana, hindi nakapag-overnight dahil ang taas ng fever ni Bimb.

"And then dinala ko sa St. Luke's, so dun nag-New Year si Bimb.”

May visitation rights na si James sa anak na iginawad ng korte, pero hindi raw ito nasusunod.

"Hindi naman nasusunod, e. Di naman. Every Friday dapat," sabi niya.

Bakit hindi ito nasusunod?

Ayon kay James, "Alam mo, sa totoo lang, mahirap kasi pilitin yung sarili, di ba?

"Mahirap pilitin yung sarili mo na ayaw naman sa 'yo... alam mo yun?"

Ayaw sa kanya ni Bimby?

“Oo, ramdam ko, e,” tugon ni James.

HOPEFUL. Sa kabila nito, umaasa raw si James na darating ang araw na maging maayos din ang lahat sa pagitan nila ng anak.

“Sana. Ako, naghinhintay na lang ako na, kumbaga… ilang taon na ba si Bimb, 10?

“So, sana pagdating ng 17, may desisyon na siyang sarili na, kung gusto niya ako makita, kung gusto niya ako makita na tatay niya, anytime dito ako.

“Or kung tatanungin mo ako kung [ipag]siksikan ko pa ang sarili ko? Kasi ang hirap, e.

“[Ipag]siksikan mo ang sarili mo, tapos wala namang development, parang maano ka rin...

"Kumbaga, sorry sa word, magsasawa ka rin, kasi masasaktan ka lang.”

Open ang communication lines ni Michela kay Kris. Bakit ayaw niyang kausapin na lamang ang dating asawa?

Tugon ni James, “Wala akong number sa kanila. Si Mic ang may number sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Kris ang nagbibigay ng number, bawal daw kunin.”

Nakausap ng PEP.ph at ilan pang miyembro ng media si James sa grand opening ng District 8 Gastropub, sa G Strip ng Greenhills, San Juan City, kagabi, August 17.

Isa si James sa may-ari ng gastropub na ito.

Dumalo sa ribbon-cutting kagabi ang girlfriend ni James na si Michela Cazzola.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN