Agot Isidro, Atom Araullo, Karen Davila condemn bloody drug raids

IMAGE Facebook / Instagram

Celebrities like (L-R) Atom Araullo, Agot Isidro, Sen. Kiko Pangilinan, and Karen Davila express their dismay over the large number of alleged extrajudicial killings in the last few days. One of the casualties is a 17-year-old student.


Hindi napigilan ni Agot Isidro at iba pang personalidad na mag-react sa dami ng bilang ng mga namatay, sa kamay ng mga pulis, nitong magkasunod na araw kaugnay ng anti-drug campaign ng pamahalaang Duterte.

Ayon sa lumabas na mga ulat, 32 katao ang namatay sa isinagawang "one-time, big-time" drug raid sa Bulacan noong Miyerkyules, August 16.

Habang 25 naman ang nasawi sa ginawang drug raids sa ilang lugar sa Metro Manila kahapon, August 17.

Tinawag pa ngang “bloodiest night” ng ilang international news websites ang nangyaring pagpatay.

Lumilikha rin ngayon ng ingay ang pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos, na ayon sa mga pulis ay nanlaban at nakitaan ng dalawang pakete ng shabu.

Subalit, taliwas sa police report, mapapanood sa kuha ng CCTV na hindi nanlaban ang biktima, na nakapiring ang mga mata, kundi hawak-hawak ito ng dalawang pulis na nakasibilyan.

May mga witness ding nagsabing hindi nanlaban ang binatilyo kundi na-set-up umano.

Sa pamamagitan ng Twitter, naghayag ng kanyang saloobin ang singer-actress na si Agot Isidro kaugnay ng mga patayang ito.

Hindi lamang daw numero ang pinag-uusapan dito kundi buhay ng mga tao.

Isa pang tweet ng aktres, ilan pa ba ang kailangang mamatay para labanan ang madugong kampanya na ito ng pamahalaan?

OTHER TWEETS. Bukod kay Agot, may iba pang celebrities na nag-post sa social media upang ihayag ang kanilang pagkadismaya sa nangyaring karahasan kaugnay ng kampanya ng pamahalaan laban sa droga.

Kabilang dito sina Atom Araullo, Karen Davila, Lyn Ching, Love Añover, at Senator Francis Kiko Pangilinan. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN