Michela Cazzola "extremely offended" by Ricky Lo's "Bimby no-show" headline

IMAGE Noel Orsal

Labis daw na nasaktan si Michela Cazzola sa artikulo ni Ricky Lo sa The Philippine Star tungkol sa hindi pagdalo ni Bimby sa birthday party ng anak nina Michela at James Yap. Aniya, "I'm really hurt and offended because it was a celebration… birthday party, and somebody maliciously wanted it to make it like an intrigue or something. So, the malicious part was really bad taste."


Hindi napigilan ni Michela Cazzola, Italian girlfriend ni James Yap, na ibulalas ang kanyang sama ng loob laban sa veteran entertainment columnist at editor na si Ricky Lo.

Ito ay kaugnay ng "Bimby no-show at MJ’s party" headline ni Ricky sa kanyang “Funfare” column sa The Philippine STAR, noong Martes, August 15.

Nakasaad sa artikulo ang hindi pagdalo ni Bimby sa birthday celebration ng half-brother nitong si Michael James o MJ.

Si Bimby ay anak ni James sa dati nitong asawa na si Kris Aquino.

Si MJ naman ay ang anak nina James at Michela.

Kagaya ni Kris, hindi rin nagustuhan ni Michela ang pagkakagamit ng pangalan ng mga bata sa isang maintrigang headline.

Himutok ng Italian girlfriend ni James, “I feel extremely bad. I feel extremely bad.

"I feel extremely offended because you should never use kids, you should never use babies to create intrigues, or to create headlines just to sell or to attract attention.

"It was really uncalled for."

Sabi pa ni Michela, "Kris and I talked regularly and we already had a… we already agreed for the boys to meet privately.

“So, you know, it was really unexpected.

"And I don’t wanna even comment 'coz I don’t wanna give importance to something that doesn’t deserve importance."

Sa column ni Ricky nitong August 16, hindi siya humingi ng dispensa kay Kris.

Bagkus ay ipinaliwanag niya ang kuwento sa likod ng kanyang istorya.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino slams Ricky Lo for unverified report on Bimby
Kris Aquino slams Ricky Lo for unverified report on Bimby
Kris Aquino cries foul over Ricky Lo's article about Bimby
Kris Aquino cries foul over Ricky Lo's article about Bimby

Reaksiyon naman dito ni Michela, “No comment. I do’t wanna talk about Ricky Lo, honestly.”

Dagdag pa niya, “The thing I wanna say is, I’m really hurt and offended because it was a celebration… birthday party, and somebody maliciously wanted it to make it like an intrigue or something.

“So, the malicious part was really bad taste.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media si Michela sa grand opening ng District 8 Gastropub, sa may Greenhills, San Juan City, kagabi, August 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang boyfriend niyang si James ang isa sa may-ari ng nasabing bar.

PRIVATE GET-TOGETHER. Ayon pa kay Mic, napagkasunduan nila ni Kris na magkita na lamang sa ibang pagkakataon ang kanilang mga anak upang masulit ang oras nila sa isa't isa.

“We invited their half-brothers and I love the kids but, graciously, they informed us, they informed me in advance that they would prefer to meet privately.

"And to me, it’s a very wise decision because they are kids.

"And why do we need to make it like a show business, you know, thing?

“So, in advance, we agreed absolutely.”

Sa hiwalay na panayam ay ikinuwento ni James na walong buwan na niyang hindi nakikita ang anak kay Kris, at wala raw siyang number ni Bimby o ni Kris.


Stories We Are Tracking

James Yap strongly feels that son Bimby does not like him
James Yap strongly feels that son Bimby does not like him

Maaari bang mamagitan si Michela para muling magkita ang mag-ama?

Sagot niya, “Me? I think that it’s a matter between the father and the son.

"I don’t find it appropriate for me to pakialam.

“What I do is… my best to maintain the relationship or open communication, cordial communication with them, 'coz I genuinely like them.”

Bukas ang PEP sa pahayag ni Ricky Lo kaugnay ng pahayag na ito ni Michela Cazzola. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN