Quark Henares asked if mom Vicki Belo and Hayden Kho Jr. have prenup: "Knowing her, meron."

IMAGE Noel Orsal

Quark Henares hints at Vicki Belo-Hayden Kho Jr. prenup: "She's smart, I trust her."


Malaki ang partisipasyon ng film director na si Quark Henares sa kasal ng kanyang ina na si Vicki Belo kay Hayden Kho Jr. 

Si Quark ang panganay na anak ni Dra. Vicki at ng ex-husband nitong si Atom Henares.

Panimula ng direktor, “I’m so excited, I am so busy that I haven’t been able to plan well. 

“I love Paris, at ako ang maghahatid sa nanay ko."

Sa Paris, France, gaganapin ang kasal nina Vicki at Hayden sa September 4.

Sa susunod na Biyernes na raw ang lipad ng buong pamilya nila sa Europe; kasama ang kapatid niyang si Cristalle Belo at ang asawa nitong si Justin Pitt.

Komento ni Quark, “Kinakabahan ako, I need to be ready kasi I’ll be there for a while.

“At hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko while there… iyong iba magha-honeymoon."

Na-interview ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Quark sa opening ng Pista ng Pelikulang Pilipino, na ginanap sa Cinema 6 ng SM Megamall, noong August 15.

PRENUP. Tanong ng PEP kay Quark, buung-buo ba niyang tanggap si Hayden para sa mommy niya?

Mabilis niyang tugon, “Oh, yeah, whatever makes her happy.”

Matagal nang usap-usapan kung may prenuptial agreement ang kasal nina Vicki at Hayden, pero ayaw magkomento ng couple tungkol dito.

Si Quark naman, hindi nagbigay ng diretsong sagot. Pero tila may pahiwatig ito nang tanungin ng PEP tungkol dito.

Habang nangingiti, aniya, “Ayoko na siyang i-stress kaya hindi ko na siya tinatanong.

“Pero knowing her, knowing her, meron... ano siya, e, what’s the word? Ano siya, practical.”

Hindi nga raw nila ito napag-uusapan ng mommy niya.

“Yeah, parang ayoko siyang…

“Like, honestly, parang na-realize ko rin na lahat ng mga pinagsasabi ko before, whatever… it’s aggravating her, di ba, better just to let it go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s a smart girl, I trust her.”

Samantala, bida sa social media ang bunso niyang kapatid sa ina na si Scarlet Snow.

Aliw na aliw nga raw si Direk Quark sa kapatid.

Sabi niya, “She’s a cutie, I love her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN