Janice de Belen admits getting "depressed" about engagement of Korean stars Song Joong Ki and Song Hye Ko

IMAGE Noel Orsal

Janice de Belen is hooked on Korean drama and idolizes its stars. Now she wants to speak their language. Seriously? She says, "Ang goal ko sa buhay, makapanood ako ng K-drama na hindi ako nagbabasa ng subtitle."


“Kalat na kalat na pala ang tsismis,” natawang reaksiyon ni Janice de Belen sa balitang isa siyang K-addict o addicted sa Korean telenovela.

Eksakto naman na kasama siya sa kauna-unahang Korean-Pinoy serye na My Korean Jagiya.

Pagbibidahan ito ni Heart Evangelista at ng Korean actor na si Alexander “Xander” Lee. Ano ang pakiramdam ni Janice?

“To be part of something like this, mas excited pa nga yata ako kesa kay Heart nang malaman ko.  

“At siyempre yung script, kapag dumarating sa bahay, babasahin mo, natatawa akong mag-isa.

“Siyempre, nabi-visualize mo kung ano ang mangyayari, e.”

Nang tinanong kung gaano katindi ang pagiging K-addict niya, “Malala,” walang kakurap-kurap na sabi niya.

“Ika-third year ko pa lang ng pagiging K-addict, pero pang-pitong beses ko nang pumupunta ng Korea.

“Noong umpisa ang sabi ko pa, hanggang actors lang ako, 'tapos nakapanood ako ng Super Juniors, 'Ay parang maganda ang kanta nila, mahal ko na rin ang Super Juniors.'

"Sabi ko, hanggang diyan na lang tayo 'tapos nanood ako ng Big Bang. Mahal ko na rin ang Big Bang, twice akong nanonood.

“Nanood ako rito, nanood ako sa Korea ‘tapos lahat ng feed sa Facebook.

“At para legal ang download ko, nag-subscribe ako sa isang site kunsaan makaka-download ka.

“Meron akong isang buong hard drive na puro K-dramas lang yun.”

Taong 2014 nang magsimula raw siyang maging K-addict, at ang una niyang naging Korean idol ay si Lee Min Ho. 

Nagsimula raw ito nang si Janice ang ipinadala ng Buzz ng Bayan noon para ma-interview ito.

Hindi raw siya natuwa sa interview nila dahil wala raw siyang alam tungkol sa mga Korean dramas.

Ang The Heirs daw ang umeereng serye ni Lee Min Ho noon at nagkataong may kopya ang isa sa mga anak ni Janice.

Pagbubunyag niya, “Ang The Heirs ang kauna-unahang Korean drama na napanood ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At to this day, The Heirs ang pinakamaraming beses kong napanood…may 100 times.

“Nagustuhan ko siya nang sobra bukod pa sa ang guwapo ni Lee Min Ho,” saad niya.

“Siyempre, artista rin ako at pinapanood ko ang quality of acting nila, and sometimes ang feeling ko, mas dedicated pa sila sa amin.”

Nakausap si Janice ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng My Korean Jagiya noong Lunes, August 14, sa KPub sa Trinoma Mall.

FANATIC. Kung si Lee Min Ho ang unang “love” ni Janice, si Song Joong Ki naman ang kanyang current.

Kaya lang ikakasal na ito kay Song Hye Kyo, “Na-depress talaga ako,” pag-amin niya, “ganun pala talaga ang fan.

“Noong una, gusto ko silang dalawa, pero habang tumatagal, parang ayaw ko na yata. 

“Noong sila na talaga, parang ayoko ko na kay Song Hye Kyo.

“E, kasi sa babae, favorite ko siya, ang ganda niya, plus lahat ng Korean products, gumagamit ako.”

Gumagamit raw si Janice ng Laneige, ang makeup brand na ini-endorso ni Song Hye Kyo.

Pero noong mismong araw raw na nalaman ni Janice na ikakasal na ang mga ito, sobrang init daw ng ulo niya.

“Mainit talaga, dine-deny ko pa na depressed ako.

"Sabi ko, ‘Di bale, kahit mag-aasawa na siya, siya pa rin ang wall paper ko, mahal ko pa rin siya.’”

Napansin nga raw ng anak niyang si Kaila Estrada kung gaano ka-affected si Janice.

“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,” sambit niya.

Sa mga anak ni Janice, si Moira lang daw ang katulad niyang K-drama addict.

Kaya madalas daw niyang sabihin sa mga anak, “Tigilan niyo ko, ha, ano ang gusto niyo, boyfriend o ito na lang?”

Lahad pa ni Janice, mas naiintindihan na raw niya kung bakit ganoon na lang ka-protective ang mga fans sa kanilang mga idols.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil nga sa pagiging K-addict niya, ngayon lang raw naging mas malinaw sa kanya kung bakit nagagalit ang mga tao kay Sharon Cuneta noong panahon na magka-love team sila ni Gabby Concepcion.

Aniya, “Naiintindihan ko na ang sinasabi nila na sana wag munang mag-aminan, now I get it.

“Ganun pala talaga.  Kasi wala na, kakaiba na ko, e.”

SPEAKING KOREAN. Nag-aaral na rin ba si Janice ng Korean language?

“Papunta na ko run,” lahad ni Janice, “Nag-aaral na ako on my own.

“Ang goal ko sa buhay, makapanood ako ng K-drama na hindi ako nagbabasa ng subtitle.

“Goal ko yun, promise! Sanay na ‘ko, e, nag-e-enroll na ako ng self-learning, sa online.”

Dugtong pa niya, “Sabi ko nga kay Xander, ‘You have to teach me Korean, ha.’

“Sabi niya, ‘You’re very good.’ Sabi ko sa inyo, malala na nga itong sakit ko na ‘to.”

Hindi pa raw nakaka-eksena ni Janice ang mga Korean stars ng My Korean Jagiya.

Pero “chummy-chummy” na raw sila dahil kalat na kalat na sa mga ito ang pagiging K-drama addict niya.

“Bago pa nila ko nakilala, kumalat na ang tsismis, seryoso! Ako rin nagtataka.

“Siyempre, kapag nagpakilala, is lagi naman akong ganun, ‘I love Korea.’

“‘Yes, we know!’ So sabi ko, a, kumalat na ang tsismis.”  

Ang nakakabata niyang kapatid na si Gelli de Belen ay nahihilig rin sa kapapanood ng Korean drama.

At kabilin-bilinan nga raw nito ay kailangang makapunta siya sa taping ng My Korean Jagiya.

“”Kailangan ko silang makilala,’ yun ang bilin sa akin ni Gelli,” natawang sabi ni Janice.
 
Kamakailan lang ay nag-post ang magkapatid ng picture nila kasama si David Lee ng Descendants of the Sun.

“He’s so nice, he’s so mabait,” paglalarawan pa niya sa Korean actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN