Karla Estrada to Paul Salas: "Huwag tayong mangungutya sa kapwa natin."

IMAGE Noel Orsal

Nagkausap na raw si Karla Estrada at ang ama ni Paul Salas na si James Salas. Ang paalala ng ina ni Daniel Padilla sa binatilyo, "Basta ang mensahe lang dun, ingat tayo, huwag tayong ganun."


Aminado si Karla Estrada isang pisikal na laro ang basketball.

Lumaki raw siyang pinapanood ang sport na ito kahit pa noong nasa probinsiya siya kaya naiintindihan ng Kapamilya star ang hindi sinasadyang pagkatulak sa anak na si Daniel Padilla ni JC de Vera.

Nangyari ang tulakan sa Star Magic All-Star basketball game nila sa Araneta Coliseum noong Linggo, August 13.

Kuwento pa ng tinaguriang Queen Mother, “Siyempre alam natin na sport lang yun ano.

“Pero para sa akin, kasi alam kasi natin kung sinadya o hindi. So anyway, burst yun ng damdamin na andun ka mismo nakikitang sinahod o sinalya o kung ano man ang tawag mo dun, sa anak mo.

“Siyempre, ako antagal ko nang nanonood ng basketball. Mga anak ko nagba-basketball.

“So, alam ko na kasi kung paano maglaro ng basketball, hindi ko lang kaya maglaro.

“So, alam natin yung mga sinadya, alam natin yung kainitan lang. Pero kasi pag pinagsama-sama mo yun, makikita mo naman laro lang, bugso lang ng damdamin yung pag nandun ka na.

"So, alam ko yung feeling pag intense ka na at pag nandun ka na mismo sa loob ng court , so I understand that.

“Pero after that, kung gaano kabilis magkapatawaran, magkalimutan, matatawa na lang sa sitwasyon, ganun din sa akin.”

Kahit na wala nang problema sa pagitan nina Daniel at JC, nagkaroon ng panibagong isyu nang nagkomento sa Facebook ang kapwa Kapamilya star na si Paul Salas.

Ayon sa 19-year-old teen, kung ayaw daw masaktan ni Daniel, dapat "lazer tag" na lamang ang nilalaro nito. Ang tinutukoy ni Paul ay isang hide-and-seek game kung saan gumagamit ang mga manlalaro ng laser gun at sensor headband.

Nakarating kay Daniel at mga teammates nito ang komento ni Paul at nagkahamunang magkaroon ng basketbal match.


Stories We Are Tracking

Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla, JC de Vera involved in basketball scuffle
Daniel Padilla, JC de Vera involved in basketball scuffle

Kampante naman si Karla sa skills ni Daniel sa basketball, kaya paulit-ulit niyang sinabi na huwag basta-basta kutyain ang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 “Actually, hindi ko na napigilan yung anak ko na sumagot dun kasi lalaki naman yun.

“Kasi nakakatuwa din yung ibang tao na parang, ‘Wag niyong kinukutya-kutya si Daniel lalo na sa larong basketball, dahil bata pa lang, halos pagkakakitaan na niya iyang basketball.’

“At saka huwag tayong mangungutya sa kapwa natin lalo na yung mga lalaki, lalo na alam niyo ang anak ko hindi ko pinalaki na sosyal ‘yan, batang kalye din ‘yan.

“At nakikipagbangasan ng mukha 'yan sa kalye lalo na nung bata pa.

"So, huwag niyong isipin na kayang-kaya niyong kutyain ‘yan. Talagang mabuti lang ‘yan at nag-iisip nang maayos ‘yan kaya hindi ‘yan nagpapatol.”


Stories We Are Tracking

Daniel speaks up on heated Twitter exchange with Paul
Daniel speaks up on heated Twitter exchange with Paul
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?

PARENT TO PARENT CONVERSATION. Sa naging panayam ng PEP kay Daniel, sinabi nitong wala nang basketball game match na magaganap.

Nabastusan lang daw siya sa naging komento ni Paul kaya niya ito hinamon sa Twitter.

Pero, kung si Karla ang tatanungin, hindi raw niya pipigilan ang anak sakaling matuloy ang laro.

Saad niya, “Ako, bahala siya kung gusto nila. Feeling ko nga pag naglalaro, katatawanan na lang ng kaibigan ‘yan.

“Pero ngayon I doubt it, kasi wala naman siyang araw na bakante.”

Nagkausap na rin daw siya at ang ama ni Paul na si James Salas, dating miyembro ng sikat na dance group noon na Universal Motion Dancers (UMD).

Lahad ni Karla, “Oo, nagkausap kami. Kasi kami nung tatay ni Paul na si James ay magkakaibigan nung araw pa, UMD kasi yun.

“So, kami na nag-usap, sabi ko, hindi na makakatulong ito para sa mga anak natin, mga ganyan, kung paano lang mag-usap ang mga magulang.

“Basta ang mensahe lang dun, ingat tayo, huwag tayong ganun. Ngayon kung handa kang harapin lahat ng pangungutya ng ilang milyong sumusuporta dun sa gusto mong kutyain e go ka.

“Pero kung hindi ka ready at alam mong magbi-breakfast, lunch, dinner ka ng mura, e, huwag na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ako, yung pag-aalala ko nauwi sa pagkaawa. Kaya nga din ako nag-tweet na nung gabi na, 'Tama na ‘yan, matulog tayo nang matiwasay,' at magkikita rin naman tayo sa huli.

“Bakit ba hirap na hirap tayong maging masaya lang? Bakit ba lagi nating ini-entertain yung gusto nating negative tayo, di ba?

"Maging masaya tayo sa kapwa natin, kasi wala din namang ginawang masama sa inyo yung tao, di ba?

“Kaming mga artista, nandito lang kami para magpasaya. Ang hirap pong mabuhay sa inggit, nakakamatay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla sa grand opening ng District 8 Gastropub nitong nakaraang Huwebes ng gabi, August 17.

Isa sa owners ng nasabing bar and restaurant si Daniel, kasama ang pito pang investors na sina Vice Ganda, James Yap, Marc Pingris, Paul Artadi, former San Juan Vice Mayor Francis Zamora, Charlton Yu, at chef Kel Zaguirre.

Kaya District 8 ang tawag ay dahil walo silang may-ari.

Si Kathryn Bernardo naman ang nag-cut ng ribbon sa grand opening.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN