Kris Aquino tells James Yap to stop using their son Bimby for publicity

IMAGE Noel Orsal

Nagsalita na si Kris Aquino tungkol sa rebelasyon ni James Yap na hindi nasusunod ang kanyang visitation rights sa kanilang anak na si Bimby Aquino-Yap. Buwelta ni Kris, wala raw effort si James na kilalaning mabuti si Bimby.


Sinagot ni Kris Aquino ang rebelasyon ng ex-husband na si James Yap na walong buwan na nitong hindi nakikita ang kanilang anak na si Bimby Aquino-Yap.

Hindi raw kasi nasusunod ang visitation rights na iginawad sa kanya ng korte.

Pakiramdam din daw ni James ay ayaw sa kanya ni Bimby.


Stories We Are Tracking

James Yap strongly feels that son Bimby does not like him
James Yap strongly feels that son Bimby does not like him

Hindi nagustuhan ni Kris ang pahayag na ito ni James.

Pahayag ng TV host-actress sa kanyang Instagram post ngayong Sabado, August 19, “There comes a point when being QUIET just doesn't cut it anymore.

“I tried my best to be PROPER, to maintain dignified silence for the sake of PEACE- but when the other party is again playing the sympathy card, the mother in me just has to say ENOUGH IS ENOUGH...”

Sinamahan niya ito ng isang quote na siya mismo ang gumawa: “Parenting isn’t a competition, it should be cooperation—even if we already long annulled as a couple. - Kris”

“FOR PUBLICITY?” Sa Facebook, inilahad ni Kris ang buong panig niya sa isyu.

Sana raw ay hindi ginamit ni James ang pangulila niya sa anak na si Bimby sa opening ng pag-aari nitong gastropub.

Matatandaang nagsalita si James tungkol sa matagal-tagal na nilang hindi pagkikita ni Bimby sa media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa grand opening ng District 8 nitong Huwebes ng gabi, August 17.

Isa si James sa part-owners ng gastropub; kabilang din dito sina Vice Ganda at Daniel Padilla.

Ayon kay Kris, hindi na dapat sinagot ni James ang tanong ng media tungkol sa kanilang anak dahil private matter daw nila iyon.

Buwelta niya, “James Yap- stop using Bimb for publicity, most especially when you are opening a BAR!

"That is the wrong venue to be discussing your relationship (or in this case lack of one) with your son.

"The proper thing to do would have been to answer, 'THIS ISN'T THE CORRECT VENUE TO DISCUSS MY RELATIONSHIP WITH MY SON AND I WOULD APPRECIATE IF YOU COULD RESPECT OUR PRIVACY.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Kris, “I have had so many presscons and launches over the years and in the past few months- but it seems there is so much more going on in my life that the subject of James Yap has rarely come up; and for the sake of Bimb's well-being I made the conscious effort to put the past behind.”

“NO EFFORT?” Ayon pa kay Kris, walang ginawang effort si James upang mas lalong makilala ang anak.

Hindi rin daw nagbibigay ng sustento ang PBA player kay Bimby.

“The simple truth is this and I am addressing this directly to the man who doesn't want to give our 10 year old son PEACE:

“YOU HAVEN'T EXERTED EFFORT TO GET TO KNOW HIM, SPEND TIME WITH HIM, MUCH LESS CONSISTENTLY CONTRIBUTE FINANCIALLY TO HIS NEEDS (the last time you 'shared' for tuition was when Bimb was in 2nd grade- 3 full years ago, I have let that be since God has more than adequately been generous with us and I believe that a father's financial responsibility should naturally come from his heart.)

“I maintained communication lines with Mic because she tried to get to know both Bimb and Kuya Josh, and had simple, yet genuinely thoughtful gestures for them. Can you honestly say that you tried to become closer to Bimb?”

Ang "Mic" na tinutukoy ni Kris ay ang Italian girlfriend ni James na si Michela Cazzola.

“DO NOT PLAY THE VICTIM AGAIN.” Mensahe pa ni Kris kay James, “Hindi kita ginugulo. Binigyan ko ng respeto ang bago mong partner na si Mic- napakahirap bang bigyan mo rin ng respeto ang anak natin at huwag mo na siyang gamitin para mapag-usapan ang bago mong negosyo?

"Naiintindihan ko na hindi maiiwasan na matanong ka tungkol kay Bimb, pero hindi mahirap ang tumangging sumagot alang-alang na lang sa kapakanan ng bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parenting isn't a competition, it should be cooperation- even if we are already long annulled as a couple. I was far from being a perfect wife, but I know I am a loving, responsible, involved, and devoted mother.

“DO NOT PLAY THE VICTIM AGAIN- because a man who walked away with millions from an annulment settlement from a marriage that lasted just 4 years can never be a victim especially when he is portraying a 10 year old boy as the one at 'fault' in not liking him and making him feel na "magsasawa ka at masasaktan ka lang."

“Money isn't the issue with me- but voluntarily contributing to your son's needs regardless of how successful his mother is would show him that you are a stand-up guy- regardless if it is P1,000 or P5,000 a month.

“Whether we like it or not, fathers are still expected to be providers. And it doesn't put you in the most responsible light when your social media feed shows you attending art exhibits and showcasing your extensive art collection and having the capital to invest in a big restaurant-bar, yet since you did bring it up- the New Year's Eve that Bimb was in your care and had to be rushed to the hospital- was there even an offer to help pay for any of his medication? I am merely being factual- and in this instance TRUTH HURTS.”

“MASAYA ANG TAHIMIK NA BUHAY.” Sa huli, sinabi ni Kris na ayaw na niyang magpaapak pa.

Aniya, “I have said what was needed to be said.

"And I shall say nothing further because frankly, MASAYA ANG TAHIMIK NA BUHAY- pero napakatanga ko na kung hahayaan ko na naman na magpa-apak kami sa mga walang katotohanang paninira na pagsusuriing maigi eh napakaklarong paghuhugas-kamay lamang sa mga personal na pagkukulang...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kuya Josh, Bimb, and I are LOVING and content.

"We have made the best of what life has given us, and I strongly believe they will remain secure and happy for as long as their mother is steadfast in her faith in God, hardworking as their provider, and nurturing as the protector of their lives.

“I have done my utmost to leave yesterday behind. I have forgiven you, and more importantly I have forgiven myself.

"My only prayer now is that we all live in harmony and mutual respect by giving each other mutual peace.

"Sobrang simple- huwag mo kaming pag-usapan at guluhin, mananatili akong tahimik.

"Dahil ang pinakapinahahalagahan ko higit sa sarili ko ay ang mapalaki nang maayos, matalino, magalang, at mapagmahal ang anak natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN