Ryza Cenon admits getting anxious over viral threats

IMAGE Noel Orsal

Ryza Cenon admits getting concerned about the threats she receives on social media because of her kontrabida character in Ika-6 Na Utos: "Nakakatakot din. Hindi mo rin alam, siyempre sabihin nating hindi ko siya seseryosohin kaso baka seryoso ang taong yun."


Grabe raw ang mga natatanggap na banta ni Ryza Cenon sa social media dahil sa karakter niyang si Georgia sa Ika-6 Na Utos ng GMA-7.

Umabot na raw sa puntong minumura na siya, at kapag nakita raw siya ay bubuhusan ng asido ang mukha niya at papatayin siya.

Ilan lang ito sa mga mensahe na ipinost din niya na natanggap niya at sinagot ng, “Trabaho lang po.”

Ayon kay Ryza, ang nagpadala sa kanya ng naturang mensahe ay mukhang seryoso talaga kaya parang pa-grabe na nang pa-grabe ang mga nagbabanta at nagseseryoso sa kanyang karakter.

Pag-amin niya, “Nakakatakot din.

“Hindi mo rin alam, siyempre sabihin nating hindi ko siya seseryosohin kaso baka seryoso ang taong yun.

“Hindi ko alam kasi, noong pinost ko siya, nag-comment pa siya sa akin.

“Blinock ko na lang para mawala.

“Sabi niya, 'Nagsumbong ka pa talaga. Huwag na huwag ka lang pakikita sa akin.'

“Parang gusto kong sagutin, pero pinigilan ko na lang.”

CAUTIOUS. Mas nagiging maingat na lang daw talaga siya ngayon.

Ayon kay Ryza, “Lalo na sa mall, sa maraming tao.

“Kasi, hindi mo alam kung may bigla na lang sumugod.

“So nag-iingat na lang ako.”

Sabi nga ni Ryza, grabe raw talaga ang nagiging epekto ng serye nila sa ilang manonood.

“Grabe, grabe talaga!” saad niya.

“Pero nakakatuwa rin naman kasi dumarami.

“Si Ms. Kris Aquino nga naging ano [fan] na rin...” masayang sabi naman niya.

CONTRACT EXTENSION? Ang pinirmahan daw niyang kontrata sa Ika-6 Na Utos ay hanggang October lang, kaya hindi raw niya alam kung mae-extend pa sila o kung ano ang mangyayari pagkatapos ng kontratang pinirmahan.

“Kung ma-extend pa, why not?” sabi niya.

Nananatili pa rin naman daw siyang Kapuso star.

Nagtataka raw siya bakit sinasabing umalis na siya ng GMA, samantalang sa GMA Artist Center lang naman daw siya umalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagklaro niya, “GMA pa rin naman ako.

“Hindi naman ako umalis.

“Kung sa tingin nila hindi na 'ko nakakatulong sa show, nirerespeto ko rin naman.

“Yung sa extension, naririnig din namin ‘yan na hanggang next year daw.

“Siyempre kami, pinagdarasal namin na sana hanggang next year na.”

TEAM-UP WITH ANGELIKA. Silang dalawa ni Angelika dela Cruz ngayon ang magkakamping kontrabida sa buhay ni Sunshine Dizon sa Ika-6 Na Utos.

Kumusta silang dalawa ni Angelika bilang sila ni Sunshine naman ay matagal ng magkasama?

Kuwento niya, “Okey naman kami ni Ate.

“Ate talaga kami pag-off-cam.

“Nagkukuwentuhan, nanghihingi ng advice.

“Nagkukuwento siya about sa pagiging mom niya, yung ganun.”

Mas gusto ba niyang dalawa silang kontrabida ngayon o mas gusto niyang siya lang talaga tulad dati?

Saad niya, “Hindi naman, okey lang naman din.

“Magkaiba kami ng atake ni Ate Angelika.

“Yung character niya, chill e. Gusto niya may plano, pinagpa-planuhan.

“Si Georgia, sugod lang nang sugod.

“Wala siyang pakialam kung ang plano niya masira o hindi maging successful, basta nakasugod siya.”

ACCEPTED BY NEW “FAMILY.” Kamakailan lang, nabasa namin nang magpalitan sila ng komento ng lola ng boyfriend niya na si Cholo Barretto sa Instagram.

Base sa naging comment ni Mommy Inday Barretto sa kanya, mahal at tanggap siya ng mga ito.

Ang comment ni Inday, “Plus when you remember that there is a Family who love you and have your back, from now On—

“Also, that in the Barretto clan there is a Mamaday behind and beside you.”

Pag-amin ni Ryza, “Nakakatuwa and nakakakilig.

“Kasi, ilang buwan pa lang naman kami ni Cholo, pero sobrang welcome talaga ko sa family nila.”

Madalas ba niyang makasama ang lola ni Cholo?

Aniya, “Kapag may get-together lang po, dun ko madalas makita si Mama.

“Mama ang tawag ko sa kanya.”

THANKFUL FOR BLESSINGS. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opening night ng PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino) sa SM Megamall noong August 15, kunsaan isa sa entry na kasalukuyang napapanood ngayon ang pelikula niyang Ang Manananggal sa Unit 23B.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung titingnan siya ngayin, halatang maasaya siya.

“Opo naman,” mabilis na sagot niya.

“Happy ako ngayon kasi maraming blessing.

“Kung yung dati, parang depressed.

“Ngayon ko na-realize na talagang si God, iaano ka niya sa down ka talaga pero ibibigay rin naman niya after kapag na-conquer mo na lahat, so masaya.”

NEW MOVIE. Nang pumirma sa Viva si Ryza, isa sa nabanggit niya na gusto niya ay ang makagawa pa ng maraming pelikula.

At kamakailan lang nga, ibinalita na siya at si JC Santos ang bagong tambalang ididirek ni Sigrid Andrea Bernardo sa pelikulang Mr. and Mrs. Cruz.

Si Bernardo ang direktor ng matagumpay na indie movie na Kita Kita.

Sa October daw sila magsisimula ng shooting at ngayon pa lang daw ay nakakaramdam na siya ng pressure.

“Kasi, after Kita Kita, kami ang next.

“Parang kumparahan na ‘yan, e.”

Rom-com daw ang tema ng pelikulang gagawin nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN