Janice de Belen approves of Jake Vargas for daughter Inah: "Basta mabait sa anak ko, okey na."

IMAGE Noel Orsal

Janice de Belen prides herself in not meddling in her daughter Inah's love life: "Twenty-five na si Inah. Kung yung nanay ko at tatay ko, kumontra nang husto, walang nagawa, wala rin akong magagawa."

 


Puwedeng sabihing “cool mom” si Janice de Belen.

Bukod sa hilig niya sa K-drama at K-pop, naiintindihan din nito kung anuman ang mga pinagdadaanan ng mga anak niya dahil siya rin daw, nagdaan na sa ganito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janice sa presscon ng bago niyang primetime series, ang My Korean Jagiya, sa K Pub Trinoma Mall, naitanong kay Janice ang tungkol sa relasyon ng anak niyang si Inah de Belen at ang boyfriend nitong si Jake Vargas.

Boto ba siya sa Kapuso male star para sa kanyang anak?

“Basta mabait sa anak ko, okey na,” saad niya.

Biniro namin si Janice na mukhang in-love talaga si Inah sa boyfriend nito.

“Kanino ba nagmana?

“Sino ba ang nanay?” natatawang sagot niya.

At saka may ikinuwento ang aktres.

Aniya, “Sabi nga ng tatay ko sa kanila, bagay raw sila.

“Sabi ko talaga sa tatay ko, 'Yun talaga ang nasabi mo?'

“Sabi niya, 'E, yun ang nakita ko, e.'”

Wala ba siyang pagkontra sa relasyon nila?

Lahad niya, “Twenty-five na si Inah.

“Kung yung nanay ko at tatay ko, kumontra nang husto, walang nagawa, wala rin akong magagawa."

SMALL TALK. Nakikita naman daw niya ang anak at si Jake dahil nagpupunta naman ang huli sa bahay nila.

Nakakausap na rin daw niya ito.

Ano ang mga napag-uusapan nila ni Jake?

Saad niya, “Wala naman. Yung small talk lang.

“Wala masyado kasi ang tahimik niya, e.”

“Usually, tahimik na ako pero apparently mas madaldal pa ako sa kanya.”

Hindi pa raw naipapakilala ni Inah si Jake sa daddy niyang si John Estrada.

Biro ni Janice, “Mas delikado naman yata na makilala siya kesa makilala ako.”

NO NETWORK CONTRACT. Si Janice ang isa sa artistang nanggaling sa Kapuso network, naging Kapamilya at ngayon ay nagbalik-Kapuso na naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Well, I’m just thankful and I’m just fortunate enough to work with any networks, di ba?”

“Huwag na nating i-judge pagdating sa work.

“Kasi lahat ng tao gustong magtrabaho, why not?”

Hindi rin naman daw siya naka-network contract.

Biro nga niya, “Matanda na 'ko para sa network contract.

“Para sa bagets na yung mga network contracts.”

Dahil sa kanyang freelancer status, puwede palang pagkatapos ng My Korean Jagiya ay magbalike-Kapamilya siya kung sakaling may offer.

“Kung gusto nila ako, oo naman, kahit saan,” pahayag niya.

Ang My Korean Jagiya ay magsisimulang umere sa darating na Lunes, August 21 sa Kapuso network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN