Former child star Makisig Morales quits showbiz to work and study in Australia

IMAGE Instagram

Former ABS-CBN child star Makisig Morales is enjoying his new life in Australia with his family: "Busy po ako sa studying, work, and pag serve po for the Lord. Busy rin po ako sa pagiging big brother sa aking mga younger siblings."


Sa bansang Australia na pala naka-base ang dating child actor na si Makisig Morales.

Sa mga pinost niyang photos at videos sa kanyang Instagram account, makikita roon na settled na siya at ang kanyang mga kapatid sa Australia at nagtatrabaho na ito bilang service crew sa isang sikat na fastfood chain doon.

Sa edad niyang 20 anyos, pinili raw ni Makisig na iwan na ang showbiz at hindi palampasin ang opportunity na makapag-migrate at makapagtrabaho sa ibang bansa.

Pinagpapatuloy din ni Makisig ang kanyang pag-aaral habang isa siyang working student.

Sa naging interview kay Makisig ng ABS-CBN, sinabi niyang tahimik at masaya ang buhay ng pamilya niya sa Australia.

Kuwento niya, “Busy po ako sa studying, work, and pag serve po for the Lord.

“Busy rin po ako sa pagiging big brother sa aking mga younger siblings.”

Inamin din ni Makisig na nami-miss niya ang showbiz, pero wala naman daw siyang regrets na iwan ito pansamantala dahil mas importante raw ang kanyang future at ang makasama ang kanyang pamilya.

Parati naman daw niyang ina-update ang kanyang mga fans via his social media accounts.

OPEN TO GUESTINGS. Hindi naman daw niya totally iiwan ang showbiz.

Puwede naman daw siyang mag-guest ulit sa mga TV shows kapag nagbabakasyon siya sa Pilipinas.

“Para secure na po ang future namin ng family ko.

“But pag mayroon pong show na offer sa akin sa Philippines, I would take that opportunity po,” diin pa niya.

EARLY YEARS IN SHOWBIZ. Nakilala si Makisig dahil sa pagbida niya sa teleserye na Super Inggo sa ABS-CBN noong 2006.

Bago maging artista si Makisig, una itong sumali sa "Duet Bulilit," isang segment ng noontime show na Magandang Tanghali Bayan sa ABS-CBN noong 2001.

Kasama niyang sumali sa naturang contest ang kanyang kapatid na si Mayumi Morales.

Sunod naman ay nag-audition si Makisig, kasama ang mga kapatid na sina Mayumi at Vincent, para sa singing contest ng ABS-CBN na Little Big Star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First runner-up si Makisig at ang naging champion sa Little Division ay si Rhap Salazar.

Sa naturang singing contest din sumali at nag-place third si Charice Pempengco, na Jake Zyrus na ngayon, sa Big Division naman.

PROJECTS. Noong 2006 ay naging bida agad si Makisig sa una niyang teleserye na Super Inggo.

Ang ilan pang shows na ginawa ni Makisig noon ay Super Inggo 1.5: Ang Bagong Bangis, Komiks Presents: Pedro Penduko at ang mga Engkanto, I Am KC, May Bukas Pa, Super Inggo at ang Super Tropa, Magkano Ang Iyong Dangal?, Maalaala Mo Kaya, Habang May Buhay, Shout Out, Precious Hearts Romance Presents: Midnight Phantom, Oka2Kat, Luv U, Mirabella at La Luna Sanggre.

May mga ginawa rin siyang mga shows sa TV5 na Midnight DJ at True Confessions.

Nakasama rin siya sa cable gag show na Wapak ng Viva Channel.

Nakagawa rin ng ilang pelikula si Makisig tulad ng Ang Cute Ng Ina Mo, Supahpapalicious, Caregiver, Petrang Kabayo, Sisterakas, Larong Bata, Shake, Rattle & Roll 14 at Ra.One.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN