Gil Cuerva opposes haircut rule in schools: "It suppresses your freedom."

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actor Gil Cuerva seriously believes that the haircut rule for grade school guys is outdated and serves no practical purpose: "Sasabihin ko na ngayon, I think the haircut rule actually suppresses your freedom to actually express yourself. Hindi naman siguro makaka-distact sa pag-aaral ng isang estudyante kung mahaba ang buhok niya, di ba?"


Kung ang Kapuso actor na si Gil Cuerva ang masusunod, ipapatanggal niya ang haircut rule sa mga schools.

Nakilala si Gil dahil sa long hair niya sa pinagbidahan nitong teleserye sa GMA-7 na My Love From The Star.

Hindi raw maintindihan ni Gil kung bakit kailangang may specific haircut ang mga lalaki sa grade school at high school.

Para raw sa aktor, isa sa bumubuo ng identity ng isang tao ay ang kanyang hairstyle.

“I’ve always wanted to have long hair, even when I was a kid, pero hindi ko magawa kasi bawal sa school.

“When I was in grade school and high school sa Ateneo de Manila University, may haircut rule.

“Kailangan short hair ang mga lalaki which I find so obsolete,” pahayag pa ni Gil nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center noong nakaraang August 14.

Noong makatuntong na ng kolehiyo si Gil, doon na raw niya na-enjoy ang freedom na magpahaba ng buhok.

“So when I went to college, yun na, I was free to grow my hair.

“I feel like it gives me an identity.

“It makes me unique, it makes me who I am,” diin pa niya.

FREEDOM OF EXPRESSION. Kaya may pakiusap si Gil na kung puwede sana ay tanggalin na ang haircut rule sa mga schools para malayang makapag-express ng kanilang sarili ang maraming estudyante.

Aniya, “Sana baguhin po, I actually don't really believe in the haircut rule.

“Sasabihin ko na ngayon, I think the haircut rule actually suppresses your freedom to actually express yourself, in terms of hair.

“I really don’t get that rule na kailangan short ang buhok.

“Hindi naman siguro makaka-distact sa pag-aaral ng isang estudyante kung mahaba ang buhok niya, di ba?

“Let’s give this kind of freedom sa mga bata ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ACTING WORKSHOP. Kabilang si Gil sa 46 Kapuso artists na nag-undergo ng acting workshop sa ilalim ng New York-based acting coach na si Anthony Vincent Bova.

Malaking tulong daw ito kay Gil lalo na’t baguhan pa rin siya sa industriya.

Marami raw siyang gustong ma-improve pa sa kanyang sarili bilang isang aktor.

“I’m giving myself a few months to improve on myself, not just in terms of acting, but actually, pati yung katawan ko.

“Plano kong magpalaki ng konti... nagpapaborta na po ako ngayon, di lang po halata!” tawa pa niya.

Kahit wala pa raw sinasabi sa kanya na next project niya, pinaghahandaan na raw niya ito.

“I want to prepare myself para when the next project comes, ready na lahat.

“I would just like to do role that would challenge me... not just yung skill ko, but even who I am as a person.

“I don't wanna put a role out there and say na heto yung ultimate end point ko, heto yung ultimate goal ko, 'cause it doesn’t stop there,” diin pa niya.

At kung kinakailangan na short hair siya sa kanyang next project, wala raw choice si Gil kundi ipagupit ito.

“Kasi when you accept the role, you accept your character.

“Hindi naman ako magiging Gil Cuerva sa next role ko, so if they need to cut my hair, open naman po ako,” pag-amin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN