Christian Bables has no qualms about doing frontal nudity scenes: "As an actor duty mo yun to mimic life."

IMAGE Noel Orsal

Christian Bables explains why he won't think twice about doing frontal nudity or butt exposure for an exceptionally good movie role: "Actually, hindi ko nga po siya naiisip na tapang yun, e. Kasi po kumbaga, it is something that is required for you to do as an actor. Kung hinihingi yun ng script artistically. I think as an actor, duty mo yun to mimic life."


Mas nagkaroon ng maliwanag na career path si Christian Bables ngayong mayroon na siyang business management team na makikipag-negotiate sa mga movie at TV assignment offers.

Kabilang si Christian sa dalawang artistang kinontrata ng IdeaFirst Company ng acclaimed directors na sina Perci Intalan at Jun Lana.

Ang naturang kumpanya ay hindi lang nagpu-produce ngayon ng mga pelikula kundi nagma-manage na rin ng mga karera ng ilang indie film directors at artista gaya nina Cedric Juan at Adrianna So.

Sabi pa ng award-winning supporting actor ng Die Beautiful, “Siguro ngayon mas mapapanatag na po ang loob ko.

“Kasi parehas kami ni Sir Jef [ang co-manager niya sa IdeaFirst] na bago sa industry.

“Parehas kaming nangangapa, hindi namin alam ang gagawin namin.

“Ngayon, we have something and someone na tatayo para sa akin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa launching nilang mga contract artists ng The IdeaFirst Company sa Hive Hotel, Quezon City noong nakaraang Martes, August 15.

GRATEFUL FOR NOT BEING TYPECAST IN GAY ROLES. Ang lalabas niyang serye sa TV5 na Born Beautiful ang huling gay role daw na gagawin niya matapos ang Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros.

Pahayag niya tungkol dito, “Actually, wala na po akong masyadong gay roles na ginagawa after Die Beautiful.

“Babalik lang ako kay Barbs sa Born Beautiful.

“Kasi po lahat ng projects ko po parang lahat naman hindi.

“Kaya nga po sobrang thankful po ako sa ABS-CBN, sa Regal Films, kasi kumbaga, hindi nila ako tinayp-cast [typecast].

“Binigyan nila ako ng mga magagandang karakter na kaya kong gampanan.”

NOT YET A LEGIT KAPAMILYA. Nililinaw ni Christian na naggi-guest pa lang siya sa mga programa ng Kapamilya network at hindi pa siya contract star ng istasyon.

Pero umaasa raw siya na kung hindi man siya mapupunta sa GMA-7, maging mainstay siya ng Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malakas ang kumpetisyon ng mga artista sa ABS-CBN. Hindi ba siya natatakot na lumusong sa agos?

Tugon niya, “Actually, hindi ko po iniisip ang kumpetisyon. Wala.

“Kasi kumbaha, gusto ko lang umarte.

“Pero yung kumpetisyon, hindi ko naiisip yun.”

FRUSTRATIONS. May mga pinagdaanan daw si Christian na minsan ay nakaramdam siya nang frustration.

Ipinaliwanag niya kung ano ang gusto niyang sabihin tungkol dito.

Kuwento ni Christian, “Ngayon, natutunan ko na kung paano sumakay, kumbaga.

“Kasi noon akala ko everything was true. Lahat ng bagay na sinasabi sa akin totoo.

“Kunwari sa projects na parang, ‘Ikaw na 'to, 'etong project na 'to gagawin mo ito pero parang ano lang ito, advocacy film. So, we want to get you as a lead actor.’

“So, ako bilang naniniwala ako doon sa pelikula nila, nag-go ako.

“Pero hindi lang pala yun advocacy film.

“Sa akin naman, kung ano lang yung totoo.

“Noon hindi ko alam kung sino na yung mga totoo.

“Akala ko noon, lahat ng nakangiti totoo, yun pala po, hindi.

“Kunwari, nakikipag-friends sila, maayos yung ngiti nila.

“Tapos, malalaman ko na lang na sila pala yung source nung hindi maganda.

“Kaya ngayon, okey na lang ako sa lahat.”

Wala naman raw mga bading na nag-take advantage kay Christian o nangako nang stardom sa kanya.

Mahigpit raw ang kanyang road manager na si Jef.

BUTT EXPOSURE. Binanggit ni Christian ang pagkakaroon niya ng butt exposure sa indie film na Signal Rock na prinudyus ng award-winning director na si Chito Roño.

Sa kuwento ni Christian, tinawagan daw sila ni Direk Chito para sa audition at matapos nito ay ibinigay na sa kanya ang role.

Sa shooting na lang daw nalaman ni Christian ang paghuhubad niya sa pelikula.

Hindi naman daw siya umalma sa pagpapakita niya ng puwet.

Kung hindi si Direk Chito ang producer ng pelikula, gagawin pa rin ba niya ang butt exposure?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis niyang sagot, “Maganda po kasi yung istorya, e. Gagawin ko pa rin.

“Kasi po, yung pelikula is about an island guy who tries to keep his family intact.

“Lahat po doon sa Samar, lahat ng mga babae, kapag nagdalaga na at kaya na nila, pinu-force silang magpakasal sa isang foreigner para maka-ahon sa kahirapan.

“Ganun po ang dilemma ng character ko.

“Pumping po yung ginawa ko. Hindi naman po ako nahirapan, take one lang po yun.

“Basta, sinabi lang ni Direk Chito, 'Habang nagdu-do [love scene] kayo, gusto ko maramdaman niyo yung pain kasi ito na ang last.'

“So, habang nagdu-do po kami, naiyak po kami.

“Kasi po painful po sa amin yun kasi last na po yun.

“Ang love interest ko po rito si Ilora Espanio, yung sa Seklusyon.”

FULFILLING HIS DUTY AS AN ACTOR. Kahit frontal nudity daw ay walang alinlangang gagawin ni Christian para sa isang magandang project at makabuluhang eksena.

Bakit ganito siya katapang sa paggawa ng mga maseselang eksena?

Komento agad ni Christian, “Actually, hindi ko nga po siya naiisip na tapang yun, e.

“Kasi po kumbaga, it is something that is required for you to do as an actor.

“Kung hinihingi yun ng script artistically. I think as an actor, duty mo yun to mimic life.

“I don’t think its tapang.

“I think its normal. Parte ng pagmamahal mo sa craft.”

Inamin ni Christian na marami siyang gustong makasama sa acting projects.

Sabi niya, “Kung bibigyan ako ng pagkakataon, gusto ko nga pong maka-work si Coco Martin, Maricel Soriano, Christopher De Leon, Jericho Rosales, at Maja Salvador.

“Kasi po magagaling sila.”

Ilan pa sa mga naka-line up na movie projects para kay Christian ay ang pagtatambalan nila ng PBB housemate na si Cora Wadell na pinamagatang Recipe for Love na ipu-produce ng Regal Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin siya sa cast ng Ghost Bride na pinagbibidahan ni Kim Chiu, at ang nabanggit niyang indie film na Signal Rock, o Bagtik.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN