Julian Trono genuinely happy for Kylie Padilla as new mom

IMAGE Instagram

Julian Trono (shown with FanGirl FanBoy co-star Ella Cruz) on Kylie Padilla fulfilling her longtime wish to be a mom: "Bilang kaibigan, di ba, yung makita mo yung kaibigan mo na fulfilled na yung gusto niya, that's something that you should really be happy about. Sarap niyan!"


Masaya si Julian Trono na isa nang ina ang dating nauugnay sa kanya na si Kylie Padilla.

Si Kylie ay nanganak ng isang baby boy noong August 5 via spontaneous delivery, at kasama niya sa kanyang pagsilang sa ospital ang kasintahan niyang si Aljur Abrenica.

Sina Julian at Kylie naman ay naugnay sa isa't isa noong bago pa sila magsimula sa teleseryeng Buena Familia.

Pahayag ni Julian tungkol sa pagiging ina ni Kylie, "Sobrang saya.

"I'm genuinely happy for her, kasi nga, matagal na niyang gusto 'yan, e.

"I mean, 'yan yung mga kuwento niya sa akin before.

"I mean, for her to settle down, to have her own family.

"More than the career, more than the work, gusto niya.

"Sobrang committed din siya sa family niya.

"May kanya-kanya naman tayong dreams and desires, at isa yun talaga sa mga gusto niya."

HAPPY FOR KYLIE. Bilang kaibigan, nararapat lang daw na ito ang maramdaman niya para kay Kylie.

Aniya, "Bilang kaibigan, di ba, yung makita mo yung kaibigan mo na fulfilled na yung gusto niya, that's something that you should really be happy about.

"Sarap niyan!

"I was able to greet her on her birthday.

“That was the time din na sinabi na niya publicly na she's pregnant.

"Yun! Sobrang saya ko talaga! Legit!

"Sobrang nawi-weirduhan ang ibang tao kasi, I mean, matapos mong ma-witness yung lahat nang pinagdaanan niya, yung struggles niya, di ba?

"'Tapos, na-overcome niya, I think isa yun sa... ang sarap ng feeling, di ba?"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actor-dancer sa grand presscon ng pelikulang FanGirl FanBoy ng Viva Films na ginanap sa Le Reve, Quezon City kahapon, August 18.

ISSUE WITH ALJUR. Tungkol naman kay Aljur, hindi pa rin daw sila nagkikita hanggang ngayon.

Nagkaroon din ng isyu sa pagitan nila noon, pero binigyang-linaw niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Parang di na.

"But first, we don't have any bad blood.

"Right now, di ba, nabigyan din siya ulit ng opportunity na prove himself, di ba? Nakakatuwa yun.

"Maging grateful na rin lang tayo sa mga nangyayari, at maging masaya na lang tayo sa bawat tao."

Masaya rin daw siya sa magandang relasyon ng dalawa matapos nilang dumaan sa problema.

Ayon sa Viva actor, "Sabi ko nga, I hope they make it right now, kasi siyempre, nagkaroon din sila ng troubles in the past.

"As a friend, yun din lang ang mahihiling mo na maging maayos na ang lahat, para makapag-settle down na talaga sila nang maayos.

"I think that's a great thing now, kasi masaya naman sila, di ba?"

MOVIE WITH ELLA. Katulad ng dalawa, masaya na rin daw siya dahil mayroon naman siyang Ella Cruz na kapareha niya sa pelikulang FanGirl FanBoy na ipapalabas na simula September 9.

Totoo ba ito?

Napapangiting sagot niya, "Right now kasi, ang hirap unahin ang mga nararamdaman mo.

"Kasi, yung nararamdaman mo, it stays with you.

"Pero yung opportunities kasi, kapag dumaan sa'yo, dadaan lang yan.

"Pag dumaan 'yan, hindi na 'yan babalik sa iyo, at kung babalik man ito, it will take you so much time."

Pero aminado naman daw siya na sa ngayon, si Ella ang pinakamalapit na babae sa kanyang buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN