Lindsay de Vera plans hospital visit, charity auction for debut

IMAGE GMA Corp Comm

Kapuso actress Lindsay de Vera prefers to organize a hospital visit and charity auction for her 18th birthday on January 2018, instead of having a lavish party: "It's something na priceless—yung mapasaya mo ang maraming bata sa birthday mo. Para sa akin po kasi, pagiging praktikal iyon. At parang mas masayang gawin iyon instead of having a big party. Paano ka naman mag-e-enjoy kung alam mong may m


Kahit na sa January 2018 pa ang ika-18 birthday ng Kapuso teen actress na si Lindsay de Vera, ngayon pa lang ay pinaplano na niya ang magiging debut niya.

Ayon kay Lindsay, nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Alyas Robin Hood 2 last August 9 sa Le Reve Events Venue in Quezon City, hindi raw siya magpaplano ng isang malaki at bonggang debut party dahil mas gusto raw niyang mag-charity work sa araw ng kanyang kaarawan.

Kuwento niya, “Naisip ko rin po na yung igagastos namin sa malaking party, idu-donate na lang namin for charity.

“Ang hiling ko is to be with many kids sa birthday ko.

“Dream ko po kasi noong bata ako is to be a pediatrician.

“Gusto kong maging doctor sa mga bata.

“So, we’re planning to visit a children’s hospital ward para doon ako mag-celebrate ng birthday.

“I would dress up in different Disney princess costumes para maaliw ko ang mga bata roon.

“At the same time, ako ang magreregalo sa kanila ng mga damit, toys, medicines and even school supplies.

“It’s something na priceless—yung mapasaya mo ang maraming bata sa birthday mo.

“Para sa akin po kasi, pagiging praktikal iyon.

“At parang mas masayang gawin iyon instead of having a big party.

“Paano ka naman mag-e-enjoy kung alam mong may mga batang may sakit at walang makain, di ba?

“So I would love to help them as much as I could.”

AUCTION. Balak din magpa-auction ni Lindsay ng ilang mga damit at accessories na nagamit niya sa mga nasalihan niyang teleserye via social media.

Ang kikitain daw sa auction ay idu-donate din niya for charity.

Lahad pa niya, “It’s my own way of giving back kasi naging maganda ang takbo ng career ko since last year.

“Like ngayon po, kasama ulit ako sa cast ng Alyas Robin Hood. It’s such a blessing for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So to share my blessings with others is something na gagawin ko po talaga.”

NOT YET READY TO HAVE A BOYFRIEND. Katambal ulit ni Lindsay sa Alyas Robin Hood si Dave Bornea.

Maraming nag-e-expect na baka manligaw na si Dave kay Lindsay.

Pero nagsabi na raw ito na hindi pa siya ready na magkaroon ng boyfriend.

“Kami naman po ni Dave, puwede naman kaming maging magkaibigan muna.

“He knows na hindi pa po ako ready to have a boyfriend.

“Mas mabuti yung makilala ko muna ng husto si Dave bilang isang friend.

“If our friendship grows into something good, then we can take that next step.

“But for now po, it’s better na magkaibigan muna kami,” paglinaw niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN