Luis Manzano agrees with Jessy Mendiola's mom not to rush wedding

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano agrees with Jessy Mendiola's mom's opinion not to rush their wedding: "'Yan din naman ang sinasabi namin ni Jessy, so sang-ayon kami sa sinasabi ni Tita. Thank you very much, Tita, na may thumbs up ako mula sa inyo. Di naman puwedeng biglaan lang na porke't, 'Uy, tayo! Pakasal tayo!'"


Marami ang nagulat sa naging pahayag ni Didith Garvida, ina ng aktres na si Jessy Mendiola, sa nakaraang interview nito sa ABS-CBN morning program na Magandang Buhay.

Boto raw siya kay Luis Manzano para sa anak, pero hindi raw siya kumbinsidong dapat nang magpakasal agad ang dalawa.

Naniniwala si Mrs. Garvida na panghabambuhay na commitment ang kasal, bukod pa sa nararapat lang daw na higit kilalanin nina Luis at Jessy ang isa’t isa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Luis sa opening ng Shakey’s, sa Paseo de Magallanes, noong Miyerkules, August 16, sinang-ayunan naman ng TV host ang pahayag na ito ng ina ng kasintahan.

Pahayag ng Kapamilya TV host-actor, “'Yan din naman ang sinasabi namin ni Jessy, so sang-ayon kami sa sinasabi ni Tita.

“Thank you very much, Tita, na may thumbs up ako mula sa inyo.

“Hindi naman puwedeng biglaan lang na porke't, 'Uy, tayo! Pakasal tayo!'

“It’s a journey, it’s a process na maraming kailangang gawin, kilalanin ang isa’t isa.

“Yeah, tama. We completely agree naman.”

NO WEDDING DATE YET. Nang tanungin kung ilang taon pa ang hihintayin nila bago sila magpakasal ni Jessy, hindi pa rin makapagbigay ng definite date si Luis.

Pag-amin ng 36-year-old Kapamilya star, “I don’t know, I honestly don’t know... but hopefully soon.

“Ang dami ko pang kailangang gawin.

“She’s 24, marami din siyang kailangang gawin for her family.

“Di naman kami nagmamadali.

“Two years? Di ko alam.

"I want to know, I’m curious at the same time, pero alam kong marami pang kailangang gawin.”

Tulad ng laging sinasabi ni Jessy sa mga interviews sa kanya, palagi nilang napag-uusapan na ni Luis ang pagpapakasal.

Pagsang-ayon niya, “Yes, napag-uusapan namin, napag-uusapan namin ang future.

“It goes to show kung gaano kami kaseryoso rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya rin si Luis na paunti-unti ay nagiging aktibo na muli ang girlfriend sa showbiz career nito.

“Oo, ang alam ko may mga gagawin siya soon, may mga ipe-present sa kanya very soon, so I’m very happy.”

FAMILY BONDING. Masaya rin si Luis na maganda ang relasyon ni Jessy sa ina niyang si Batangas Representative Vilma Santos, at maganda din naman ang samahan nila ng ina ng girlfriend.

Masaya niyang lahad, “Ganun naman si Mommy, nakikita ko naman yun.

“In fact, last Sunday, magkakasama kami sa bahay, kumain kami.

“May mga sariling usapan din yung dalawa kasi.

“Si Tita kasi nagkikita lang kami pag nagdi-dinner.

“Narinig ko yung interview niya, sabi niya kulitan kami, tawanan.

“Ganun, ganun pag magkakasama kami.”

Marami ang nakakapansing madalas daw ay nakikipag-away ang mommy ni Jessy sa netizens na namba-bash sa anak.

Para naman kay Luis ay normal na reaksiyon ito ng kahit na sinong ina.

“For any mother naman, ganun talaga ang mangyayari.

“You have to protect your children, that’s a given,” diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN