Barbie Forteza confirms relationship with Jak Roberto via Instagram post

IMAGE GMA Network / Instagram

Tila kinumpirma na ng Kapuso actress na si Barbie Forteza ang relasyon nila ng Kapuso hunk na si Jak Roberto dahil sa isinulat niyang wish sa kanyang candle balloon. Sabi ni Barbie sa kanyang wish: "Monay at Pandesal Sana Magtagal."


Kinumpirma na nga ba ni Barbie Forteza na may relasyon sila ni Jak Roberto?

Natuwa at kinilig nang husto ang higit 1 million Instagram followers ng Kapuso actress dahil sa pag-post niya ng isang wish nang magpalipad siya ng isang candle balloon sa Amerika.

Nakasulat kasi dito ang “Monay at Pandesal Sana Magtagal.”

Para sa followers ng Kapuso actress, confirmation ito ni Barbie na sila na nga ng Kapuso hunk na si Jak Roberto.

“Monay” ang tawag ni Barbie sa kanyang sarili dahil sa bilugan niyang mukha.

“Pandesal” naman ang deskripsiyon sa “Pambansang Abs” na si Jak.

Nagpalipad ng candle balloon si Barbie sa Renssalaer, Indiana, USA, kunsaan ginaganap doon ang taunang Shine Festival.

??????

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

Bumuhos ang maraming positive comments sa post na ito ni Barbie.




Sinagot pa niya ang isang comment ng kaibigang aktres na si Joyce Ching.



BARBIE IN THE U.S. Nang magtapos ang GMA-7 primetime series na Meant To Be, nagsimula namang lumabas ang balitang nanliligaw na nang totohanan si Jak kay Barbie.

Bagamat walang confirmation mula sa dalawa, kahit ilang beses na silang nakikitang magkasama, makahulugan ang Instagram posts ng dalawa.

Mas happy pa sa happy, 20th! ??????????????

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

Pero sa pagkakataong ito, tila kinumpirma na ni Barbie ang lahat sa pamamagitan ng kanyang candle balloon

Natuloy rin ang planong US vacation ni Barbie, na regalo niya sa sarili nang mag-20 years old siya noong July 31.

Binisita rin niya ang kanyang sister na naka-base na sa Chicago, Illinois.

"It's such a nice sound for what it means : a fortunate accident"

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

Nagkaroon din ng belated birthday celebration si Barbie na ginanap sa Signature Room at the 95th sa Chicago.

Nag-post pa nga si Barbie ng photo niya na tila nakasimangot siya dahil sa halip na “Forteza” ay “Sorteza” ang nakalagay sa kanyang special menu.

Caption dito ni Barbie: “In fairness bago to. Sorteza naman ngayon... Fortaleza lagi ehhh.”

In fairness bago to. Sorteza naman ngayon ???????????? Fortaleza lagi ehhh.

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

Nakarating na rin si Barbie sa New York City kunsaan nagpaka-tourist ito sa pag-post ng photos niya sa Statue of Liberty, Serendipity 3, United Nations, Grand Central Station, Times Square, at Rockefeller Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Turista mode ????????

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

SA WAKAS!!! O siya uwian naaaa!!! ?????? Thank you @loveluxebags for my shoes ????

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

???? Happiness

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

????

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

Bago umalis si Barbie ay nakapag-shoot na siya ng ilang eksena para sa pelikula nila ni Ken Chan sa Regal Entertainment na This Time I’ll Be Sweeter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN