Julia Barretto reacts to speculation that Joshua Garcia's family doesn't like her

IMAGE Mark Atienza

Julia Barretto naghayag ng saloobin sa maling espekulasyong hindi boto sa kanya ang pamilya ng manliligaw niyang si Joshua Garcia: "Dahil sa side niya po sa Batangas na pamilya niya hindi ko pa po nakikilala... It's unfair naman sa aming dalawa na ginagawan kami ng kuwento na wala naman kaming ginagawang masama."


Hindi pinalampas ni Julia Barretto ang pagkakataong klaruhin ang espekulasyong hindi pabor sa kanya ang pamilya ng manliligaw niyang si Joshua Garcia.

Kaugnay ito ng Q&A portion sa presscon proper ng pelikula nilang Love You To The Stars And Back, na ginanap sa ABS-CBN Training Hall kahapon, August 20.

Inihayag dito ng entertainment reporter na si Mercy Lejarde na may nakausap siyang kamag-anak ni Joshua na nagsabing hindi raw ito boto sa aktres na maging nobya ng binata.

Paglilinaw ni Joshua, “Hindi po totoo na hindi nila tanggap.”

Kung sakali ay ipaglalaban ba niya si Julia?

Sagot ng 18-year-old actor, “Yes po. Kasi po naniniwala naman akong mabuting tao si Julia.”

Sa puntong ito, bahagyang naguluhan si Joshua dahil sa pagkakaintindi niya, nang ulitin ng program host ang tanong, ay hypothetical lamang ang sinasabing sitwasyong hindi boto ang isa niyang kaanak kay Julia.

Nakangiting balik-tanong ni Joshua, “Wait, wait... totoo ba na nakausap?”

Agad nilinaw ng entertainment reporter na totoong nakausap niya ang di pinangalanang kaanak ng binata.

Ayaw na nitong banggitin kung sino dahil baka raw “mapagalitan” pa ni Joshua.

Sabi naman ni Joshua, “Hindi, e. Kasi hindi pa po nami-meet ni Julia yung pamilya ko.”

Ang bahagi ng Q&A na ito ay naganap pagkatapos magkaroon ng bahagyang tensiyon sa pagitan ni Joshua at ng isa pang entertainment reporter na nagtanong tungkol sa panliligaw ng binata kay Julia.

Hindi nakapagsalita noon si Julia upang tulungan si Joshua na ihayag kung anuman ang nais iparating ng binata sa pagkakataong iyon.


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia, Julia Barretto hold hands amid tense moment
Joshua Garcia, Julia Barretto hold hands amid tense moment

JULIA TO THE RESCUE. Ngunit sa usapin na hindi umano boto sa kanya ang pamilya ni Joshua, hindi pinalampas ni Julia ang pagkakataong sumingit at linawin ang ilang mga bagay.

Pahayag ni Julia, “I’m sorry that I had to butt in in the middle of all of this, okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I don’t like seeing him being, yung ginaganun…

“What he’s trying to say po is he does not know of a family member that he has spoken to about the two of us, except for both his parents.

“Na kanina klinaro ko naman po na na-meet ko na po young pamilya niya na nandito po [sa Manila].”

Ayon kay Julia, imposibleng may kaanak si Joshua na naghayag ng opinyon tungkol sa kanya gayong hindi pa sila pormal na nagkakakilala.

“Kanina po in-explain ni Joshua na kung dadalhin niya ako sa kahit na anumang lugar, dadalhin niya ako sa Batangas.

“Dahil sa side niya po sa Batangas na pamilya niya, hindi ko pa po nakikilala.

“In other words, hindi niya po napagkukuwentuhan tungkol sa aming dalawa ho.

“It’s unfair naman sa aming dalawa na ginagawan kami ng kuwento na wala naman kaming ginagawang masama.”

Maayos na natapos ang Q&A nang humirit ang entertainment reporter na boto siya sa pagkakamabutihan nina Julia at Joshua.

Sa huli, idinaan ni Julia sa biro ang naramdamang tensiyon sa presscon.

Nakangiting pahayag ng dalaga, “Okey naman po tayo lahat dito at na-challenge lang po talaga kami [sa Q&A].


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia finally meets Julia Barretto's father
Joshua Garcia finally meets Julia Barretto's father
Are Joshua Garcia and Julia Barretto an item?
Are Joshua Garcia and Julia Barretto an item?
Joshua Garcia surprises Julia Barretto with dinner date
Joshua Garcia surprises Julia Barretto with dinner date


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN