Julian Trono reveals how he supported Ella Cruz during Xian Gaza controversy

IMAGE Noel Orsal

Julian Trono on stepping up with Ella Cruz as the next JaDine: "Isa po sila sa mga inspirasyon namin and nothing to compare… kami lang ang magtutuloy ng iba pa."


Ibinahagi ni Julian Trono kung paano niya inalalayan ang ka-love team na si Ella Cruz nang maugnay ito sa kontrobersiyal na businessman na si Xian Gaza.

Naging viral ang billboard invitation ni Xian sa Kapamilya actress na si Erich Gonzales, at sa kasagsagan ng isyung ito ay naungkat ang naging ugnayan ng negosyante kay Ella.

Ito ay matapos isiwalat ng ina ni Ella na si Jessica Cruz na scammer diumano si Xian.

Ianmin ni Julian na nabahala nang husto si Ella nang maungkat ang naging ugnayan nila ni Xian.

Lahad ng Viva dancer-actor, “Tinanong ko siya agad kung na-bother siya, kinuha ko yung side niya.

“Gusto ko rin naman pong maging balanse and, siyempre, maiintindihan ko siya.
 
“Ang sabi ko, huwag na lang niyang pansinin at mag-usap na lang kami ng ibang bagay.”
 
Patuloy ni Julian, “Na-bother po talaga siya, sabi niya sa akin, ‘I feel bad.’

“Sabi ko, ‘Kapag nagsalita ka, magpa-pile-up lang ‘yan. Might as well keep your composure, mawawala rin ‘yan, nandito naman ako.’

“Ginawa na lang naming biro para hindi siya ma-burden.

“Wala namang rason to dwell on it, so chill lang.

“Ginawa na lang naming biro para hindi na siya lumaki.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julian sa presscon ng pelikula nila ni Ella na Fan Girl Fan Boy.

Ginanap ito sa Le Reve Pool and Events Place, sa Quezon City, noong Huwebes, August 17.


Stories We Are Tracking

Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family
Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family
Ella Cruz says businessman Xian Gaza never courted her
Ella Cruz says businessman Xian Gaza never courted her
Xian Gaza explains scam allegations; deletes FB posts
Xian Gaza explains scam allegations; deletes FB posts
Xian Gaza cries foul over Ella Cruz mom's allegations
Xian Gaza cries foul over Ella Cruz mom's allegations

NEXT JADINE? Sila Julian at Ella ang tila nakikita ng Viva na susunod sa love team nina James Reid at Nadine Lustre.
 
Pero ayon kay Julian, “Personally po, sinabi ko talaga before na hindi na po namin kayang i-replicate.

“They are very unique, very distinct; iba ang tunog nila, iba mag-perform.

“Yung hitsura nila, yung chemistry nila, sobrang iba, kakaiba.
 
“From our end, usually ginagamit na lang namin na husayan namin. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi man namin nagawa ang katulad ng record nila, at least yun ang goal namin.
 
“Hindi man umabot, nandun ang path. 

“Right now, isa po sila sa mga inspirasyon namin and nothing to compare.

“Isa po sila sa mga nagsimula nito, kami lang ang magtutuloy ng iba pa.”

BLOODY KISSING SCENE. Samantala, naging madugo raw ang naging halikan nina Julian at Ella sa pelikula nila.

Ayon sa direktor ng Fan Girl Fan Boy na si Barry Gonzales, dahil sa excitement ng mga ito, tumama ang labi ni Ella sa ngipin ni Julian kaya nagdugo.
 
Nag-enjoy ba naman si Julian?

Tugon niya, “Hindi po, nasaktan po kasi ako, and I had to pause kasi nagdudugo ang labi niya.

“Medyo na-delay po yung scene.”
 
K-POP ARTIST. Nasa pangangalaga pa si Julian ng GMA Network nang nagkaroon siya ng mga proyekto sa Korea.

May speculation nga na papunta siya sa pagiging K-pop.
 
Nanghinayang ba siya na hindi ito nagtuluy-tuloy?
 
Pag-amin ni Julian, “Siyempre na-disappoint po nung time na yun. 

“Sabi ko naman po, move forward tayo and dumating naman po ang magandang opportunity.
 
“Hopefully, ma-pursue ko rin ang path na yun.

"Pero sa ngayon, dito muna po tayo sa Fan Girl Fan Boy.

“And, hopefully, magtuluy-tuloy rin po sa music, sa films po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN