Julia Barretto on Joshua Garcia: "Pinayagan ko siyang manligaw kasi may gusto din naman ako sa kanya."

IMAGE Mark Atienza

Julia Barretto on Joshua Garcia: "Lahat naman ng pinagdaanan ko din, alam niya. At lahat ng pinagdaanan niya, alam ko. Kaya as much as possible, ipagtatanggol ko siya."


Sa presscon ng pelikulang Love You To The Stars And Back kahapon, August 20, naging emosyunal si Joshua Garcia nang tanungin kung bakit takot siya sa rejection at kung nanliligaw na ba siya sa ka-love team na si Julia Barretto.

To the rescue naman agad si Julia sa kapareha, na hinawakan ang mga kamay ni Joshua habang nagaganap ang presscon.

Pahayag ng young actress, “Personally kasi, when you see someone special to you going to something like that, you feel for him.

“Whatever he’s feeling, I start to feel also.

“I’m overprotective of Joshua so, as much as possible, in any way that I can help him, I will help him.”

Patuloy ni Julia, “Oo naman, lahat naman ng pinagdaanan ko din, alam niya.

“At lahat ng pinagdaanan niya, alam ko.

"Kaya as much as possible, ipagtatanggol ko siya.”

Sa naturang presscon ay inamin ni Joshua na nanliligaw siya kay Julia, kaya tinanong ang dalaga kung may pag-asa naman ba sa kanya ang binata.

Tugon ni Julia, “I’ll be honest na lang. Pinayagan ko siyang manligaw kasi may gusto din naman ako sa kanya.

“Para di na rin humaba, yun na talaga yun.

“Wala namang rason para imadali namin ang mga bagay-bagay.”

Masaya rin si Julia dahil tanggap ng kanyang buong pamilya si Joshua.

Aniya  “Very well-loved naman siya by my family, very accepted.

“Pag may gatherings, hinahanap na rin siya, kaya nakakatuwa para sa akin, di ba?

"Siyempre nakakatuwa kasi gusto mo yung magulang mo boto dun sa suitor mo."


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia, Julia Barretto hold hands amid tense moment
Joshua Garcia, Julia Barretto hold hands amid tense moment
Julia Barretto quashes made-up stories about her and Joshua
Julia Barretto quashes made-up stories about her and Joshua


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN