Ethel Booba speaks up about Duterte administration's bloody drug war

IMAGE Instagram

Ethel Booba, a Duterte-supporter, responds to netizens who criticize the government for its anti-drug campaign and the 16 million people who voted for President Rodrigo Duterte.


Sunud-sunod ang tweets ng comedienne na si Ethel Booba bilang sagot sa netizens tungkol sa drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito ng maraming bilang ng nasawi sa isinagawang drug raids ng mga awtoridad noong nakaraang linggo.

Kabilang sa napatay ay ang 17-anyos na estudyanteng si Kian delos Santos.

Noong August 18, nag-tweet si Ethel na may kinalaman sa pagkakapaslang sa binatilyo, na ayon sa mga pulis ay nanlaban at nakitaan diumano ng pakete ng shabu.

Subalit sa kuhang CCTV, hindi nanlaban si Kian, bagkus ay nakapiring ito at hawak ng dalawang pulis.

Tweet ni Ethel: “Fafda is an acryonym for: Fulis Are Failing Due Action. This tweet was made after what happened to 17-year old Kian De Los Santos. Charot!”

Kasunod nito ay nakipagsagutan si Ethel sa mga netizen na anti-Duterte at kumukondena sa nangyari kay Kian at ang madugong drug war ng kasalukuyang administrasyon.

Isang netizen ang nagkomento na ang 16 million na bumoto kay Duterte ang idamay ng Pangulo sa kanyang kampanya laban sa droga.

Sagot ni Ethel, isa siya sa 16 million na bumoto kay Duterte.

Nais din daw niyamng masolusyunan ang problema sa illegal drugs, subalit hindi siya pumapabor sa pagpatay.


Hirit pa ng isang netizen, dahil sa pagsuporta ni Ethel kay Duterte, ibig sabihin ay sinusuportahan din niya ang madugong kampanya ng Pangulo laban sa ilegal na droga. Huwag daw siyang maghugas-kamay.

Paglilinaw ni Ethel, hindi siya nagmamalinis.

“Since I am against killer drugs I believed before that he will stop first the drug lords. At sana mangyari. Charot!”


Binweltahan din ni Ethel ang isang netizen na nag-tweet na unahin nang patayin ang mga bumoto kay Duterte dahil nais nila ng "madugo" na kampanya laban sa droga.


Sinagot din ni Ethel ang pag-tag sa kanya ng sa isang komento na nagsasabing sa lahat ng bumoto kay Duterte, dapat daw ay suportahan nila ang kanilang ibinoto sa marahas na kampanya nito sa droga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Follow-up ng isa pang netizen, ang point daw nito ay pangungutya sa konsensiya ng mga bumoto kay Duterte.

Ani Ethel, hindi nakakatulong ang “mocking” at sa halip na magdulot ito ng pagkakawatak-watak ay pagkakaisa ang gawin nito.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN