Marjorie Barretto says Joshua Garcia brings out the best in her daughter Julia Barretto

IMAGE Instagram / Mark Atienza

Marjorie Barretto on likely romance between between Joshua Garcia and her daughter Julia: "Kung gusto ng mga anak ko, doon ako. I'm a cool mom. Okey na ako. He looks like a good son."


Tanggap na raw ni Marjorie Barretto na posibleng mauwi sa isang opisyal na relasyon ang panliligaw ni Joshua Garcia sa anak niyang si Julia Barretto.

Umamin na kasi si Joshua na nanliligaw siya kay Julia simula nitong mga unang buwan ng 2017.

Ani Marjorie, “Okey ba sa akin? I’m a cool mom.

“Basta mababait sila, mabuti sila sa mga anak ko, okey ako. 

“Matatalino naman ang mga anak ko,  I trust in their judgment.”

Payag na siyang pumasok sa sang romantic relationship si Julia?

“Kung saan siya masaya,” pakli ni Marjorie.

Parehong nasa bakuran ng ABS-CBN sina Joshua at Julia.

Ano ang masasabi ni Marjorie sa young Kapamilya actor?

Hindi pa alam ni Marjorie noong una ang isasagot bago ito nagkomento.

“Grabe kayo, huwag ako!” nakangitig bulalas ng dating aktres.

Patuloy niya, “Kung gusto ng mga anak ko, doon ako, basta happy.

“Saka protective sa mga anak ko, okey na ako. 

“Basta inspired, nakikita ko kasi kay Joshua very makapamilya siya e. 

“Important sa amin yun na he likes being with our family, he looks like a good son.”

Naganap ang interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marjorie sa presscon ng pelikula nina Julia at Joshua na Love You To The Stars And Back noong Linggo, August 20.

Hindi pa raw nami-meet ni Marjorie ang pamilya ni Joshua.

Pero lumalabas na aprubado na niya ang young actor para kay Julia.

Sabi ni Marjorie, “Kasi magaling siyang makisama.

"H’s a good friend to my other kids, he’s fun to be with.

"Mabait si Joshua, he brings out the best in Julia, inspired to work hard.

“Yung ganun, okey ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN