Rocco Nacino denies he's still stuck on past relationship with Lovi Poe

IMAGE Noel Orsal

Rocco Nacino has set his sight on the future, and he has huge dreams. He mentioned wanting to build a hospital someday and staying single at the moment, and enjoying it.


Nilinaw ni Rocco Nacino na hindi panliligaw ang birthday gift niya na poodle sa ka-love team na si Sanya Lopez.

Ni wala pa raw sila sa stage na nagdi-date.

“More on getting to know pa rin,” sambit ng Kapuso actor.

Patuloy na sinasabi ni Rocco na “nagkakakilanlan” pa sila ng kapareha niya sa nagtapos na Encantadia.

Ganoon pa rin daw ang estado nila hanggang ngayon sa kanilang afternoon soap na Haplos.

Sabi niya, “Choice rin namin na dadahan-dahanin muna ang lahat.

“Hindi naman kami matagal nang magkakilala para ‘Tara, subukan natin.’

“It’s a long process, depende ‘yan sa priorities namin, e.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa pagbubukas ng Pista ng Pelikulang Pilipino noong August 15.

Ang pelikula niyang Bar Boys—na kinabibilangan rin nina Kean Cipriano, Carlo Aquino, at Enzo Pineda—ay isa sa entries ng nasabing film festival.

STUCK? Pero hindi pa rin nawawala ang haka-hakang stuck pa rin ang aktor sa hiwalayan nila ni Lovi Poe.

May dalawang taon na halos mula nang mag-break sina Rocco at Lovi.

Ito diumano ang dahilan kung bakit hindi nito maitulak ang panliligaw kay Sanya.

Mariin itong itinanggi ni Rocco.

Aniya, “No, it’s not that, it’s a choice. 

“Like I said, matagal na matagal na akong tapos diyan sa isyu na ‘yan, tinatawanan ko na lang.

“It was easy to move on from that relationship… marami akong nakuhang aral. Isa siyang aral.

"Yung pagiging single ko ngayon, it’s a choice, decision by myself.

“Kasi I’ve always been with someone all my life.

"Sabi ko ngayon, ini-enjoy ko talaga."

Pahabol pa niya, focus sila ni Sanya sa Haplos.

“Make sure maayos yung trabaho namin.

“And we’re happy we’re getting good reviews, nasa top ten worldwide.

“Trending yung pilot episode ng soap namin sa 10 na shows na mostly U.S., Brazil, UK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasama ang Haplos sa most trending.

"With that alone, na-procure yung inaasahan namin."

BIG DREAMS. May mga post si Rocco sa social media ng mga biyahe niya sa ibang bansa.

Hilig daw niyang mag-travel at isa raw ito sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang pumasok sa relasyon.

Isa pa, nakapasa na sa Nursing board exam si Rocco nong 2010, sa una pa lang niyang pagkuha.

At ngayon, pinupursige niya ang Master's Degree sa Nursing.

“Almost done with my Master's of Science in Nursing sa St. Bernadeth in Fairview.

“Binabiyahe ko talaga ‘yan,” pagbibida niya.

Pangarap din daw ni Rocco ang magturo.

“Sana-sana, it will be the closest I can get to practicing medicine.”

Gusto raw sana niyang maituloy sa Medicine ang kanyang pag-aaral, kaya lang ay hindi raw pwede.   

Paliwanag niya, “Kung sakaling itutuloy ko ‘yan, kailangan i-give up ko yung showbiz.

“So ngayon, acting career muna and konting oras para sa masteral ko.”

Malawak ang mga pangarap ni Rocco, isa na rito ang makapagtayo ng sarili niyang ospital.

Aniya, “Kasi yung family namin, marami kaming doctor, e. 

“Kapag makakapagtayo ako ng ganyan, malaking tulong ‘yan para mabigyan sila ng extra clinic.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN