Enchong Dee, Pokwang, Bianca Gonzalez condemn drug war killings

IMAGE Instagram

Celebrities took to Twitter to call for the end of extrajudicial killings brought about by the anti-drug campaign of the current administration. These stars include (L-R) Enchong Dee, Bianca Gonzalez, Pokwang, and Tony Labrusca.


Ilan pang celebrities ang idinaan sa social media ang kanilang panawagan at opinyon hinggil sa madugong drug war ng kasalukuyang administrasyon.

Naging laman ng balita noong nakaraang linggo ang isinagawang drug raids ng kapulisan, kung saan naiulat na 32 ang nasawi sa Bulacan, habang 25 naman sa Metro Manila.

Kabilang sa napatay ay ang 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos.

Kabilang sina Enchong Dee, Bianca Gonzalez, Tony Labrusca, at Pokwang sa mga artistang may latest status tungkol sa malawakang anti-drug campaign na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

ENCHONG DEE. Ni-retweet ni Enchong ang balita tungkol sa paghingi ng hustisya ng mga magulang ni Kian sa pagkakapaslang sa kanilang anak.

Sigaw nila, walang kasalanan ang kanilang anak at wala itong kinalaman sa droga, gaya ng akusasyon sa kanya.

Sa tweet ng Kapamilya actor, binanggit niya ang mataas na trust rating ng Pangulo, pero kailangan daw matigil ang mga insidente kagaya ng kay Kian.

Sa survey ng Pulse Asia nung June 24-29, lumalabas na may 82% approval rating ang Pangulo nationwide.

BIANCA GONZALEZ. Nag-tweet naman si Bianca ng hashtags na #DueProcessForAll at #JusticeForKian.

Ayon sa ABS-CBN host, nadudurog din ang kanyang puso kagaya ng mga magulang ni Kian.

Tanong din ni Bianca: "Ganito nalang ba lagi? Yung napapatay, nagiging statistic nalang?"

Sunud-sunod din ang pagre-retweet ni Bianca ng posts na kinokondena ang mga nadadamay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

TONY LABRUSCA. Matapang naman ang tweets ng La Luna Sangre actor na si Tony Labrusca, na nananawagan ng hustisya para kay Kian.

Aniya, ang mga pulis dapat ang tumitiyak ng kaligtasan ng mga sibilyan, pero nasasangkot daw ang ilan sa kanila sa pagpatay sa mga dapat ay pinoprotektahan nila.

Nanawagan din ang baguhang aktor na pagtuunan ng pansin ang mas mahahalagang bagay, gaya ng isyu ng extrajudicial killings.

POKWANG. Ganito rin ang panawagan ni Pokwang sa kanyang tweet ngayong gabi ng Lunes, August 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, piliing mabuti kung sino ang iluluklok sa puwesto.

Noong August 18, nag-tweet din ang komedyana na nakaka-relate siya sa pag-uwi ng ina ni Kian na nadatnan ang anak na wala nang buhay.

Dati kasing nagtrabaho sa Japan si Pokwang bago mag-showbiz.

Nauna nang nag-tweet ang ilang kilalang personalidad tungkol sa isyung ito, kagaya nina Atom Araullo, Agot Isidro, Sen. Kiko Pangilinan, at Karen Davila.


Stories We Are Tracking

Agot Isidro, Atom Araullo condemn bloody drug raids
Agot Isidro, Atom Araullo condemn bloody drug raids


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN