Dingdong Dantes on Kian Lloyd delos Santos slay: "This is wrong."

IMAGE Noel Orsal

The statement of Dinging Dantes on the death of Kian Lloyd delos Santos is succinct: "It is wrong."


Ilang artista na ang nagbigay ng kanilang personal na opinyon sa pagkamatay ng 17-taong-gulang na si Kian Loyd delos Santos.

Tulad ng iba pang netizens, humihingi rin sila ng hustisya sa pagkamatay ng binatilyo sa kamay ng mga pulis alinsunod na rin sa "war on drugs" ng Duterte administration.

Nagbahagi rin ng kanyang opinyon tungkol dito ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Nagbigay ng pahayag ang aktor sa ginanap na ika-walong anibersaryo ng Yes Pinoy Foundation, kasabay ng paglulunsad ng kampanyang I Am Super: An Art Exhibit for Resilience.

Naniniwala ang bida ng GMA-7 primetime series na Alyas Robin Hood na ang nangyaring insidente ay mali.

Ito ang kabuuan ng statement ni Dingdong sa ginanap na event:

"While I believe that the drug problem is really a menace to our society, it should not be fought at the expense of lives.

“Any life—a policeman's life, a bystander's life—anyone, especially a young person's life.

“Kian was 17 years old.

“Based on our studies in the National Youth Commission, he belonged to the child youth bracket, the one we consider the most vulnerable.

“He could have been the next best policeman of his city.

“Or president of the country.

“But he was not given the chance anymore to do so.

"I would want to believe that with this incident, right now, we all agree on one thing—that it is wrong."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN