Guji Lorenzana opens up about past relationship with Kaye Abad

IMAGE Glenn Regondola

Guji Lorenzana on ex-girlfriend Kaye Abad: "Noong naging kami, naging very involved ako sa kanya. Parang nakalimutan ko ang sarili ko. If you've noticed, yung mga picture ko dati, medyo tumaba ako, parang hindi ako nagti-take care sa sarili ko. I wasn't concentrating sa work, parang concentrated lang ako sa lahat ng gusto ni Kaye."


Hindi pa rin maiwasan ng singer-actor na si Guji Lorenzana na balikan ang nakaraan nila ng aktres na si Kaye Abad, kahit pareho na silang happily married ngayon.

Lalo na nga’t itinuturing niyang isang “one great love” ang naramdaman noon para sa dating kasintahan, kung saan umabot sa mahigit tatlong taon ang kanilang relasyon.

Si Guji ay ikinasal sa interior designer na si Cheska Nolasco noong February 2016.

Si Kaye ay ikinasal naman sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo noong December ng parehong taon.

Pahayag ni Guji sa nakaraan nila ni Kaye, “Feeling ko noong naging kami, hindi pa siya ready na whatever... na makapasok sa isang relationship.

“Ako naman, sa sobrang na-in love ako kay Kaye, na hindi ko talaga nakita na iyon ang magiging ending namin—na mag-break kami.

“Wala lang, I think, after a while na na-realize ko... na na-realize niya na after many years, na hindi pa siya ready... na mali pala yung pagiging kami, kaya yun.

“Ako naman, iba yung feeling ko 'cause sobra akong na-in love.”

Hindi naman daw niya pinagdudahan na may kinalaman ang kaibigan nilang si Paul Jake sa paghiwalay nila ni Kaye.

Dahil matapos nga nilang maghiwalay, naging mag-on naman ang dalawa.

Aniya, “No naman, wala naman akong napi-feel.

“I would like to think na naging loyal si Kaye throughout, and naging sila lang after naging kami.

“Yun yung gusto ko na... that's what I want to believe.

“Di ko alam kung sure o hindi, but that's what I want to believe... na wala munang nangyari sa kanila before me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Guji sa contract signing para sa Viva Artists Agency, sa Viva office, Ortigas Center, noong August 18.

FROM LOVERS TO FRIENDS. Naging magkaibigan naman daw sila ni Kaye matapos ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Guji, “Minsan nagti-text.

“Like, noong nag-propose ako sa wife ko, nag-text siya na ‘Congratulations,’ ganyan.

“And nakita ko na nagla-like siya sa mga posts ko, and sa posts ng family ko.

“So, very much involved pa rin naman siya sa family ko.”

Talaga nga raw minahal niya nang husto si Kaye, na ang mundo niya noon ay tila umikot lang para sa aktres.

Ayon kay Guji, “Noong naging kami, naging very involved ako sa kanya.

“Parang nakalimutan ko ang sarili ko.

“If you've noticed, yung mga picture ko dati, medyo tumaba ako, parang hindi ako nagti-take care sa sarili ko.

“I wasn't concentrating sa work, parang concentrated lang ako sa lahat ng gusto ni Kaye.

“And that's when I realized na dapat I shouldn't have done that, na dapat naging lalaki ako.

“Dapat naging seryoso ako sa work, sa buhay, sa lahat.”

MOVING ON. Hindi man daw naging madali para kay Guji ang paghihiwalay nila ni Kaye, pero dumating yung time na nagsimula na rin siyang ilagay sa ayos ang lahat sa kanyang sarili.

Kuwento pa niya, “Nag-Tinder ako, nagpakasaya.

“I went out with my friends, ginawa ko yung mga ginagawa ng boys after a breakup.

“And then, na-realize ko rin after that na, ‘Why did she break up with me? Hey, there must be something wrong.’

“Yun, inayos ko ang buhay ko, naging seryoso ako sa buhay, naging seryoso ako sa love, at hinanap ko talaga kung ano ang passion ko.

“So, I started writing music, I started writing scripts, I started working on myself.”

Paglilinaw niya, “Hindi ko naman yun ginawa para makabalik siya sa akin, dahil that time, sila na ni Paul Jake.

“I did that para lang mag-change.”

Hanggang makilala niya ang itinuturing niyang greatest love—ang kanyang asawa na si Cheska.

Handa rin naman daw si Guji na makatrabaho muli sina Kaye at Paul Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Oo naman. But si Paul Jake, I don't think na showbiz pa siya, e.

“But si Kaye, there's a chance if ever.

“Magaling kasi si Kaye, and if there's a chance na magka-work kami, okey lang sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN