Kylie Verzosa weighs in on Mariel de Leon's chances at Miss International 2017

IMAGE Kylie Verzosa Instagram

Kylie Verzosa's showbiz pegs in case she decides to pursue acting? Anne Curtis and Solenn Heussaff, she says.


Ang Miss International 2016 na si Kyle Verzosa ang magsasalin ng korona sa susunod na tatanghaling Miss International sa darating na November 14, sa Tokyo, Japan.  

Ano ang nararamdaman niya ngayong patapos na ang kanyang reign.

Tugon ni Kylie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m very excited, actually. I’m happy.

“I mean, it’s been a good reign, it’s going to get better in the next few months.

“I’ll be travelling more and looking forward to see the next girl, and also looking forward to life beyond Miss International.

"So I’m really quite excited for that.”

Nakausap ng PEP si Kylie sa launch ng libro ni Jonas Gaffud na The Crown: Your Essential Guide to Becoming a Beauty Queen, na ginanap nitong Lunes, August 21. 

BACK-TO-BACK WIN. Wala pang back-to-back win ang Pilipinas sa Miss International pageant.

Sa tingin ba ni Kylie ay may laban ang kandidata natin ngayong taon na si Mariel de Leon na maiuwi ang korona?

"Yeah, definitely!" mabilis niyang sagot.

“As long as she performs there in Miss International and she does her best, and magustuhan talaga siya ng Miss International organization.

“I mean, I don’t see any reason why there won’t be any back-to-back this year.”

May advise or tip ba siya kay Mariel?

“I guess, study Japan’s culture and parang, just do her best and get herself in the right mindset and just to pray a lot.”

LIFE AFTER THE CROWN. Ano ang nakikita ni Kyle sa kanyang “life beyond Miss International”?

“Well, we’re still working on it now,” sagot niya.

Tungkol ba ito sa career o sa personal niyang buhay?

“Career, career-wise.”

Ngiti lamang ang isinagot ni Kylie sa tanong namin kung mag-aartista na ba siya.

Gusto ba niyang pasukin ang showbiz?

“Puwede naman.”

Kung mag-aartista si Kylie, ano ang genre na nais niyang pasukin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Drama, action puwede rin, romance.”

Nang tanungin kung sino ang peg niya bilang artista, binanggit ni Kylie ang pangalan nina Anne Curtis at Solenn Heussaff.

Kung papipiliin naman siya ng magiging unang leading man niya, ang choice niya ay si Jericho Rosales o si Derek Ramsay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN