Paul Salas owns up to "trash talking" Daniel Padilla

IMAGE Instagram @salas.paul

Paul Salas (kaliwa) humingi ng pasensiya sa nangyaring alitan sa pagitan nila ni Daniel Padilla (kanna): "Si DJ nakasama ko na din sa movie niya, best friend niya ako doon. In-explain ko din sa kanila na nagka-misunderstanding lang kami. Pero in-explain ko sa kanila na at the end of the day, trash talk lang naman. Wala naman akong hate against them."


Pormal nang humingi ng dispensa si Paul Salas kay Daniel Padilla matapos nilang magkasagutan sa Twitter at magkahamunan sa paglalaro ng basketball.

Ayon sa 19-year-old actor, nakausap na niya ang kaibigan ni Daniel na si Marco Gumabao hinggil sa mga hindi magagandang salitang nabitawan niya. 

“Sabi ko, sana naman maintindihan nila kasi, di ba, sa lalaki kasi, pagdating sa basketball, trash talk-an ‘yan, e.

“In-explain ko rin naman kila Marco.

“Naintindihan naman daw nila, kaso medyo nabastos nga daw si DJ.

“So, sabi ko, pasensiya na,” lahad ni Paul. 

Base ito sa ulat ni TV Patrol reporter Gretchen Fullido na nailathala sa ABS-CBN News Online ngayong Martes, August 22.

Nag-ugat ang isyu sa pangungutya ni Paul sa napanood niyang engkuwentro nina Daniel at JC de Vera sa Star Magic All-Star basketball game noong August 13.

Kabilang sa teammates ni Daniel sa nakaraang Star Magic All-Star Game sina Marco Gumabao, Patrick Sugui, at Anjo Damiles. 

Trending topic sa Twitter ang patutsada ni Paul kay Daniel na mas mabuting maglaro na lamang ang La Luna Sangre actor ng lazer tag kung ayaw nitong masaktan sa basketball.

Na sinagot naman nina Marco, Anjo, at Daniel sa pamamagitan ng tweets. 


Stories We Are Tracking

Marco Gumabao says Paul willing to apologize to Daniel
Marco Gumabao says Paul willing to apologize to Daniel
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?
Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment?

JUST A "MISUNDERSTANDING." Ngunit nilinaw ni Paul na noong araw pa lang na nagkasagutan sila ni Daniel ay kinuha niya ang contact number ni Marco, na pina-follow niya sa Twitter. 

Si Marco ang namagitan kina Paul at Daniel upang magkaayos ang mga ito. 

Patuloy ni Paul, wala siyang anumang pinanggalingang galit sa kanyang pagpuna sa performance ng team ni Daniel sa Star Magic All-Star Game.

Aniya, “Si DJ nakasama ko na din sa movie niya, best friend niya ako doon.

“In-explain ko din sa kanila na nagka-misunderstanding lang kami.

“Pero in-explain ko sa kanila na, at the end of the day, trash talk lang naman.

“Wala naman akong hate against them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Paul ay si Daniel na ang palayaw ay DJ. 

DANIEL NO MORE ILL WILL. Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 17, inamin ni Daniel na "nabastusan" siya sa hirit ni Paul. 

Bukot daw kasi sa mas nakakatanda siya rito ay may pinagsamahan sila bilang magkatrabaho sa pelikulang Must Be...Love noong 2013.

Ngunit hindi naman daw nagalit ang La Luna Sangre actor kay Paul. 

Dagdag ni Daniel, “Tama na ang pangba-bash.

"Ako naman, hindi naman intensiyon na ma-bash din siya kaya ko sinagot.

"Sinagot ko siya para malaman niya na alam ko ang ginagawa niya.

"Para alam niya na hindi rin naman ako tatanga-tanga, na puwede lang gaganun-ganunin lang.

"And yun lang naman yun, overall, next, move on na tayo."


Stories We Are Tracking

Daniel speaks up on heated Twitter exchange with Paul
Daniel speaks up on heated Twitter exchange with Paul


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN