Kapuso artist Nar Cabico marries boyfriend in Los Angeles

IMAGE Photo courtesy of GMA Artist Center

GMA artist Nar Cabico recently got married to his long-time boyfriend VJ Capule, who is based in the U.S. They tied the knot in Los Angeles, California last Saturday, August 19. 


Ikinasal na ang Kapuso artist na si Nar Cabico sa kanyang partner na si VJ Capule.

Ginanap ang pag-iisang dibdib nila sa Guadalupe Wedding Chapel sa Los Angeles, California, USA, noong Sabado, August 19.

Ayon kay Nar, muntik nang hindi matuloy ang kanilang kasal dahil sa dalawang flight delays.

"Mas naging celebratory [ang kasal] kasi muntik pang hindi matuloy due to two—yes, two—flight delays.

"We made it to the chapel in the nick of time," kuwento ni Nar sa exclusive interview sa kanya ng GMANetwork.com

Limang taon na ang long-distance relationship nina Nar at VJ.

Nagtatrabaho bilang artista si Nar sa Pilipinas, samantalang naninirahan naman si VJ sa Los Angeles.

Payo ni Nar sa couples na kagaya nila, maghintay ng tamang oras para magpakasal.

Saad niya, “Kailangan yung pag dumating na yung oras na hawak mo na yung ballpen para pumirma, walang kahit anong hint of hesitation. Walang pause, walang alinlangan.

"Yun yung masarap na feeling."

Ayon naman kay VJ, tiyaking napapalibutan ng mga taong nagmamahal sa iyo.

“This world is seeing too much violence and hatred.

"Don't ever think the love you have for each other is wrong.

"Keep sharing it because a little love never hurt anyone," payo nito.

Kahit na kasal na sina Nar at VJ, hindi naman daw sila nagmamadali kung saan sila titira nang magkasama.

Bukas daw si VJ na manirahan sa ibang bansa bukod sa US.

Bagamat gusto ring subukan ni Nar ang kanyang kapalaran sa US, ie-enjoy raw muna niya ang kanyang career sa Pilipinas.

Katatapos lang ni Nar ang teleseryeng My Love From The Star at regular siyang napapanood ngayon sa Sarap Diva.

Balak nina Nar at VJ na mag-honeymoon sa Boracay sa October, at sa Thailand naman sa November.

THANKFUL FOR THE SUPPORT. Samantala, nag-post si VJ ng mensahe sa Facebook noong August 19 tungkol sa pagpapakasal nila ni Nar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay inilahad ni VJ ang kanilang kasiyahan sa kabila ng mga negatibong komento ng ibang netizens.

Nakaka-overwhelm daw ang suporta ng mga taong nagmamahal sa kanila, kahit hindi pa raw lubos nauunawaan ng iba ang kanilang relasyon.

“Although our love goes beyond some of their understanding, they ultimately know it’s love… and this world needs some of that right now.

“They are the muses in our lives, the ones that pushes us to keep doing what we are doing through their words of encouragement, prayers and good thoughts.”

Aniya pa, malayo pa ang lalakbayin ng kanilang pagsasama ni Nar.

Gayunpaman, lubos ang kanilang pasasalamat sa mga bumati at naging masaya sa bagong yugto ng kanilang buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN