Gerald Anderson admits fear of losing his popularity

Gerald Anderson on his popularity: "Ang dami kong oportunidad na nakukuha dahil sa popularity ko, yung power at influence para maka-inspire ng maraming tao dahil nga sa pagiging artista ko. Yeah, nakakatakot mawala."


Nagpakatotoo si Gerald Anderson nang sabihing natatakot siyang dumating araw na mawala ang popularidad niya bilang artista dahil malaki ang naitulong nito sa kanyang personal at propesyunal na buhay.

Saad ng Kapamilya actor, “There’s always fears, but I turn it into parang motivation ko.

“Takot ako na baka I’m not good enough. Baka hindi ako bagay sa role.

“I think yun ang obstacles lagi bilang artista.

“Mawala yung popularity? Yeah, fear din yun, kasi nae-enjoy ko lahat ito, di ba?

“Ang dami kong oportunidad na nakukuha dahil sa popularity ko, yung power at influence para maka-inspire ng maraming tao dahil nga sa pagiging artista ko.

“Yeah, nakakatakot mawala.”

Ayon kay Gerald, year 2009 nang magkaroon siya ng realization na mahal niya ang industriya na pinasok at ang pag-arte ang kanyang nais na maging propesyon hanggang sa pagtanda.

Lahad ng 28-year-old actor, “Nung ginagawa ko yung Tayong Dalawa, mga 2009 pa yata yun.

“Noon ko naramdaman na talagang, ‘A, okey, gusto ko na’to. Gusto ko na ‘to, gusto ko nang gumaling dito sa craft na ito. Sana makagawa pa ako ng maraming projects.'” 

Pangarap daw ni Gerald na umarte “for life.”

AWOL SEQUEL. Ibinalita rin ni Gerald na may posibilidad na magkaroon ng sequel ang AWOL, ang action movie niya na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

“Ewan ko kung nabalitaan ninyo last Saturday, nagkaroon ng special screening ang AWOL for the wounded soldiers.

“Yun ang first time na napanood ng maraming tao.

“After nun, nag-usap-usap na kami kung ano ang gagawin namin sa sequel, so sana ipagdasal natin na meron pa,” pahayag niya.

Pangarap din daw ni Gerald mag-produce ng sariling pelikula niya sa mga darating na panahon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald sa renewal ng kontrata niya bilang celebrity ambassador ng CosmoCee at ang official announcement ng pagbubukas sa Dasmariñas Cavite Technopark ng pinakabago at fully-integrated manufacturing facility ng BARGN Pharmaceuticals, ang manufacturer ng Vitamin C brand na iniendorso ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN