Marian Rivera cries foul over Twitter parody account hitting President Duterte

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera on Twitter parody account @superstarmarian: "Actually, dati dine-dedma ko lang yun. Sabi ko, sige lang, kahit ginagawa niya akong katatawanan or whatever, okey lang. Parte yun bilang artista, e. Pero para siraan mo ang Presidente natin ng Pilipinas, dapat hindi mo ginagawa yun na sa pangalan ko pa, di ba?"


Umalma si Marian Rivera sa mga negatibong reaksiyon ng publiko sa Twitter parody account na @superstarmarian, na ilang taon nang aktibo sa social media.

Kung noon ay pinalalampas ng Kapuso actress ang mga ipinu-post sa naturang Twitter account, ngayon ay hindi na talaga siya natutuwa.

Lalo na’t may kinalaman ang usaping pulitika, katulad ng pagkakabanggit kay President Rodrigo Duterte.

Pahayag ni Marian, “Actually, dati dine-dedma ko lang yun. 

“Sabi ko, sige lang, kahit ginagawa niya akong katatawanan or whatever, okey lang. Parte yun bilang artista, e.

“Pero para siraan mo ang Presidente natin ng Pilipinas, dapat hindi mo ginagawa yun na sa pangalan ko pa, di ba?”

Patuloy niya, “Siyempre, alam naman natin na marami rin supporters si Mister President, tapos pangalan ko ang nakalagay dun.

“Sandali, ha... siguro it’s about time na magsalita na ako na hindi ako ‘yan.

“Wala akong Twitter account.”

Mayroon daw siyang Facebook at Instagram accounts, pero wala siyang Twitter.

“May Facebook account ako, pero ang nag-aasikaso nun, hindi ako, may admin.

“Ang tanging hinahawakan ko lang ay Instagram.”

Maging ang mister niyang si Dingdong Dantes ay nakiusap na ring itigil na ang paggamit sa pangalan ni Marian.

Sabi naman ng Sunday PinaSaya star, “Actually, nagreklamo na kami. Nag-message na kami.

“Gumagawa na kami ng paraan na matanggal na talaga ‘yan.”

Posible rin kasing isipin ng ibang netizens na siya talaga yun.

“Although sinasabi naman daw nung @superstarmarian na hindi naman daw siya.

“Pero para gamitin ang pangalan ko, it’s unfair. Sana tama na.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Marian sa ika-walong taong anibersaryo ng Yes Pinoy Foundation at paglulunsad ng “I Am Super” campaign, na ginanap sa Resorts World Manila, noong August 20.

KIAN DELOS SANTOS SLAY. Hiningan din ng reaksiyon si Marian tungkol sa madugong drug war ng administrasyong Duterte, kung saan kabilang sa napatay ay ang 17-anyos na si Kian Loyd delos Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipinakita ni Dong sa akin ‘yan,” banggit ng Kapuso actress.

“Siyempre, sino ba naman ang matutuwa na may ganyang nangyayari sa mundo, parang ang gulo-gulo ng mundo?

“Since in a small little ways na ginagawa natin para sa kapwa natin, mismo sa sarili natin or sa ibang tao, sana mas maging mabuti tayo para sa kanila, di ba?”

NEW PRIMETIME SERIES. Samantala, nag-pictorial na si Marian para sa bago niyang Kapuso primetime series, ang Super Ma’am.

Excited na raw siya sa nalalapit na pag-ere nito.

Sabi ni Marian, “Excited ako kasi mixed talaga siya. May action na, may drama, may comedy.

“Very light lang talaga kaya hindi rin ako pagod sa trabaho.”

Ano naman ang masasabi ni Marian sa pahayag ng bagong leading man niyang si Matthias Rhoads na pinaghahandaan na nito ang magiging sampal ng aktres.

“Ha? Wala naman kaming ganun,” tila napaisip na reaksiyon niya.

“A, baka yung may eksena lang kami sa kotse na tipong ginanun-ganun ko siya.

“Actually, nakakatuwa siyang kaeksena, kasi alam mong willing siyang matuto at talagang gini-give niyang lahat.

“After the cut, tinitingnan niya, ‘Thank you for helping me.’

"‘A, okay...’ Nose bleed! Nose bleed kaming lahat!'" natawang biro pa niya tungkol sa Filipino-American leading man.

Dagdag ni Marian, “Nakakatuwa siya.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Okay, I will teach you how to speak Tagalog, you will teach me how to speak English.’

“Nagkakatuwaan lang kami sa taping.

“Actually, very light lang at saka lahat ng kasama namin sa taping, masaya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN