Myrtle Sarrosa accidentally meets ex-BF Brian Poe Llamanzares at movie premiere

IMAGE Noel Orsal

Myrtle Sarrosa says there was no awkwardness when she accidentally met ex-boyfriend Brian Poe Llamanzares at movie premiere. She explains, "Kasi I think it's because pareho kaming okay na. Kasi siguro, if we're not okay, hindi namin pareho makakayanang mag-hi sa isa't isa. But ilang years na rin, magtu-two years na yata."


Dalawang taon pagkatapos nilang mag-break, nagkitang muli ang dating magkasintahang sina Myrtle Sarrosa at Brian Poe Llamanzares sa premiere ng pelikulang Woke Up Like This, sa SM Megamall Cinema, noong Lunes, August 21.

Kuwento ni Myrtle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “First time naming nagkita after nung breakup, hindi ko nga ini-expect na magkikita kami dun.

“Nangyari yun kagabi, nung premiere night, kasi nag-cameo role ako for the movie Woke Up Like This.

“Nagkataon lang na pagdating ko dun, si Brian nandun.

“Actually, hindi ko siya nakita nung una, bigla na lang pagtalikod ko, nandun siya, so nag-hi lang kami sa isa’t isa.”

Pero ayon kay Myrtle, wala siya naramdamang pagkailang o awkwardness sa pagkikita nila muli ng ex-boyfriend.

“Awkward? Hindi naman, I think it’s because pareho kaming naka-move on na.

“Nakakatawa lang minsan yung fate, kasi nagkataon pa na magkatapat yung seats namin, nasa likod ko lang siya.

“Hindi ko nga siya nakita, pero nasa likod ko lang pala siya, tapos nag-hi lang kami sa isa’t isa.

“Siya ang unang bumati kasi hindi ko nga siya nakita.

“Ilang? Hindi naman, kasi I think it’s because pareho kaming okay na.

“Kasi siguro, if we’re not okay, hindi namin pareho makakayanang mag-hi sa isa’t isa.

“But ilang years na rin, magtu-two years na yata.

“Parang if you’ve moved on, kaya ninyo tingnan ang isa’t isa na walang bitterness.”

Bagamat wala na silang communication, bukas daw si Myrtle sa pakikipagkaibigan kay Brian.

“Yes, of course, okay lang ako na maging friends with him.”

Nakausap ng PEP si Myrtle sa contract renewal at congratulatory presscon niya bilang endorser ng Sisters sanitary napkin, na ginanap sa Oriental Palace, sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, August 22.


Stories We Are Tracking

<p>Myrtle Sarrosa confirms breakup with Brian Poe Llamazares<

Myrtle Sarrosa confirms breakup with Brian Poe Llamazares<

<p>Myrtle moves on from breakup with Brian</p>

Myrtle moves on from breakup with Brian

Has Myrtle Sarrosa moved on after Bryan Llamanzares?
Has Myrtle Sarrosa moved on after Bryan Llamanzares?
Myrtle Sarrosa has moved on from breakup with Brian
Myrtle Sarrosa has moved on from breakup with Brian

MYRTLE’S SUITOR? Samantala, marami ang nakapansin sa closeness ni Myrtle at ng Woke Up Like This director na si Joel Ferrer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang direktor ba ang sinasabi ng Kapamilya actress na manliligaw niya sa ngayon?

Paglilinaw ni Myrtle, “Ay, hindi, kasi siya yung direktor ko sa [Wattpad Presents] AFGITMOLFM.

“Dalawang projects kami nagkasama, so sobrang close namin.

“Pero no, hindi siya nanliligaw sa akin.

“Yung manliligaw ko,” patuloy niya, “hindi po siya showbiz at all and hindi rin siya businessman.

“He is a cosplayer sa ibang bansa, sa US.

“Kasi iba rin yung world ng cosplaying.

“Pag nagpunta ka ng ibang bansa at nagko-cosplay ka, parang pag-aartista din siya, pero in a different kind.

“Pero mas gusto ko kasi ang mag-acting.”

Ayon pa kay Myrtle, “Six years ago pa, tapos hindi kami nagkikita for the longest time.

“He’s a Pinoy pero American citizen siya.

“Gusto na naming i-keep yun sa sarili namin kasi baka ma-jinx kasi pag ikinukuwento sa iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN