James Yap on ex-wife Kris Aquino: "Hindi kami magkaaway, hindi lang kami nag-uusap."

IMAGE Noel Orsal

Nanghinayang daw si James Yap na hindi nakarating sa first birthday celebration ng anak niyang si Michael James (Baby MJ) ang isa pa niyang anak na si Bimby-Aquino Yap. Paliwanag niya, "Siyempre nanghinayang ako dahil first birthday ng anak ko yun, e, ng half-brother niya. Siyempre hindi na nababalik yung oras, hindi na tayo magiging one year old ulit o magpa-party ulit."


Nag-celebrate ng kanyang unang birthday ang anak nina James Yap at ni Michela Cazzola na si Michael James, o Baby MJ, noong Sabado, August 12.

Naging matagumpay ang celebration kaya masaya sina James at Michela.

Sabi ni James sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Well, sobrang saya!

"Talagang pinaghandaan namin ni Mic, so thank God na successful.

"I think, sobrang happy si Baby MJ."

Sa nasabing selebrasyon, nasilayan na rin ng publiko sa kauna-unahang pagkakaton ang mukha ni Baby MJ.

Sa loob kasi ng isang taon, hindi ipinakita nina James at Michela ang mukha ng bata sa kanilang social media posts.


Ayon kay James, “Nag-usap kami ni Mic.

"Ako naman kasi, kahit ano, okay lang sa akin.

"Kahit paglabas [pagkapanganak], okay lang ipakita.

“Si Mic kasi, masyadong conservative, ayaw niya munang ipakita sa public.

"Sabi niya, 'Kapag one year old na lang.'"

At nang magdiwang nga ng kanyang unang kaarawan si Baby MJ ay ipinakita na nina James at Michela ang mukha nito sa social media.

ON BIMBY AND KRIS. Inasahan naman ng karamihan na dadalo sa birthday party ni Baby MJ  ang half-brother nitong si Bimby Aquino-Yap, anak ni James sa dating asawa na si Kris Aquino.

Ngunit hindi nakarating si Bimby.

Nanghinayang daw si James sa pagkakataong magkita ang dalawa niyang anak.

Sabi ng PBA player, “Alam mo, sa totoo lang, inutil naman ako kapag hindi ako… kung sabihin kong hindi ako nanghinayang.

“Siyempre nanghinayang ako dahil first birthday ng anak ko yun, e, ng half-brother niya.

"Siyempre hindi na nababalik yung oras, hindi na tayo magiging one year old ulit o magpa-party ulit.

“So, nanghihinayang.

"Gusto ko sana, paglaki nila, paglaki ni Baby MJ, makita niya [sa pictures] yung brother niya, nandun.”

Sabi naman ni Kris, may pag-uusap na sila ni Michela na magkikita in private sina Bimby at Baby MJ, kaya hindi na lamang daw niya pinadalo sa birthday party ang anak nila ni James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw rin daw nitong maagaw ang atensiyon ng mga tao kay Baby MJ.

Pahayag ni James tungkol dito, “Well, ano naman, e, kung iisipin natin talaga, public eye na naman yung dalawang baby..."

Idiniin din ni James na hindi siya kasama sa mangyayaring pagkikita ng dalawa niyang anak.

"Sa set-up nila ni Mic, hindi naman ako kasama dun, sa private chu-chu nila, private pagkikita nila.

"Wala naman sinabi sa akin na kasama ako dun.

“Sila lang yata, e, so nanghihinayang ako for that party na hindi nakarating si Bimby.

“Pero alam ko naman na nag-uusap sila ni Mic, na meron silang private arrangement, pero hindi naman ako kasama.”

Paglilinaw naman ni James tungkol sa ex-wife niyang si Kris, “Hindi kami magkaaway, hindi lang kami nag-uusap.”

Nakausap ng PEP si James sa grand opening ng District 8 Gastropub, sa may Greenhills, San Juan City, noong August 17.

Si James ay isa sa may-ari ng nasabing bar and restaurant.

NO-SHOW ISSUE. Nagkaroon naman ng isyu ang birthday celebration ng anak nina James at Michela dahil sa naisulat ng entertainment editor na si Ricky Lo sa The Philippine STAR noong Martes, August 15.

Hindi nagustuhan ni Kris ang ginamit ni Ricky na headline sa kanyang column: “Bimby no-show at MJ’s party.”

Sa pamamagitan ng Instagram at Facebook, ibinuhos ni Kris ang kanyang sama ng loob laban kay Ricky.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino cries foul over Ricky Lo's article about Bimby
Kris Aquino cries foul over Ricky Lo's article about Bimby
Kris Aquino slams Ricky Lo for unverified report on Bimby
Kris Aquino slams Ricky Lo for unverified report on Bimby

Lumabas naman na nagalit din si Michela kay Ricky dahil sa kanyang isinulat.

Hindi ba naipit si James sa kanyang girlfriend at kaibigang si Ricky?

Tugon ng Rain Or Shine player, “Hindi naman. Hindi naman.”

Tingin ba niya ay maaayos ang gusot?

Sagot niya, “I’m sure maaayos naman.

"Mabait naman si Tito Ricky, all the way, sobrang bait.

“I’m sure malalampasan nila ‘to.

"Nung pumutok naman yung balitang ito, tinawagan ko naman kaagad si Tito Ricky, kinumusta ko siya, okay lang naman siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang bad blood?

“Wala, wala... I don’t know with Mic. I’m sure wala naman,” sabi pa niya.

Nauna na ring sinabi ni Michela sa media na sobra siyang “na-offend” sa isinulat ni Ricky.


Stories We Are Tracking

Michela Cazzola
Michela Cazzola "extremely offended" by Ricky Lo's article


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN