Joey de Leon has witty remark on Vice Ganda's joke about GMA-7's "Where you belong" tagline

IMAGE Twitter photo of Joey de Leon

Joey de Leon: "We don't care where we belong. Ang iniintindi namin ay TO BE LONG! Or TO BE THE LONGEST!"


Tila sagot sa naging kontrobersiyal na joke ni Vice Ganda ang Twitter post ni Joey de Leon kahapon, August 22.

Nagbigay si Joey ng ibang interpretasyon tungkol sa dating tagline ng GMA Network na “Where you belong.”

Sabi ng veteran comedian-TV host, “We don't care where we belong. Ang iniintindi namin ay TO BE LONG! Or TO BE THE LONGEST!”

Kalakip ng post na ito ang larawan niya suot ang Eat Bulaga! T-shirt na may numerong 39, ang bilang ng taon ng noontime show sa telebisyon.

Sa post na ito, sumagot ang kapwa-komedyante at dating Eat Bulaga! Dabarkads na si Michael V.

Aniya, “Sabi nga ng millenials... TOMOOO!”

May hirit ding tweet si Joey na: “Wala pa pala kaming kabuhay-buhay nung lagay na yun dahil LIFE BEGINS AT 40!”

Nagsimulang umere sa telebisyon ang Eat Bulaga! sa RPN-9 noong July 1979.

Makalipas ang isang dekada, lumipat ang programa sa ABS-CBN, kung saan tumagal ito ng anim na taon.

Taong 1995 nang lumipat ang Eat Bulaga! sa GMA Network, kung saan hanggang sa kasalukuyan ay umeere pa rin ang programa.

Matatandaang noong August 7, pabirong nagtanong si Vice sa segment ng It's Showtime na “Miss Q & A”: “Kung sinasabing 'GMA is where you belong,' bakit sila nagsisilipat?”

Ito ay kaugnay ng sunud-sunod na paglipat ng Kapuso stars sa bakuran ng ABS-CBN, gaya nina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes.

Iba't ibang Kapuso stars ang nahingan ng reaksiyon tungkol dito, kabilang na ang matagal na ring Kapuso artist na si Michael V.

Ayon sa Bubble Gang at Pepito Manaloto star, malalim na ang dahilan niya kung bakit nananatili siya sa Kapuso network kahit ang ilang kakila ay lumipat na.

Aniya, “Malalim na yung dahilan, na hindi na ako makahanap ng dahilan para umalis.

“Napagpapasensiyahan ko na yung mga problema… tumanda na siguro ako!

“Nag-mature kasi siguro ako sa GMA—career-wise tsaka personally.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman sa GMA executive na si Ms. Lilybeth Rasonable, “Napakaliit ng industriya, may aalis, may dadating, ganun din naman sa… may papalitan, may papalit.”


Stories We Are Tracking

Michael V. reacts to Vice Ganda's network-transfer joke
Michael V. reacts to Vice Ganda's network-transfer joke
Exec on Vice Ganda joke about GMA slogan
Exec on Vice Ganda joke about GMA slogan "Where you belong"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN