Maris Racal denies being third party in Diego Loyzaga-Sofia Andres breakup

IMAGE Noel Orsal

Maris Racal on being bashed by fans of Diego Loyzaga and Sofia Andres: "May mga tao talaga na di ma-gets kung ano yung totoong friendship and friendship na may something. Kami ni Diego, super friends lang talaga."


Naituturo si Maris Racal na third party raw sa nababalitang breakup nina Diego Loyzaga at Sofia Andres.

Naba-bash na nga si Maris ng Sofiego (Sofia-Diego) fans at kung anu-anong masasakit na salita ang ipinupukol sa kanya.

Nilinaw naman ng Kapamilya young actress kung ano ang namamagitan sa kanila ni Diego.

Sabi ni Maris, “Nahe-hurt ako kasi genuine friendship lang talaga yung mayroon kami ni Diego. Walang special something.

"Sobrang tropa talaga kami ni Diego, and kami din naman ni Sofia.

“Nalulungkot ako sa mga headlines, sa mga fans, kasi bine-blame nila ako.”

Close lang daw talaga siya sa pamilya ni Diego, partikular na sa ina nitong si Teresa Loyzaga at sa tita nitong si Bing Loyzaga.   

Nagulat nga rin daw si Maris sa paghihiwalay nina Diego at Sofia.

Tinanong ba niya si Diego kung talagang hiwalay na sila ni Sofia?
  
Ayon kay Maris, “Kanina tinanong ko siya, ‘Oy, ano ang nangyari?’

“Sabi niya, 'Di ko alam, bigla na lang.'

“Siguro personal problem na lang nila.

"Nasa picture lang ako, kasi ako yung mas close, tapos babae pa. Typical na iniisip ng tao.

"But to clear this thing, wala talaga.

"Tsaka, break ba talaga? Di ko alam, personal nila yun.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa taping, kung okay ba sila o hindi."
 
Nasabi na rin daw ni Maris kay Diego ang bintang sa kanya ng fans nito.

“Ganun kami ka-open, ‘O, Diegs, bakit ganun? Bakit nasali ako?’

“Sabi niya, ‘Oo nga, e, di ko alam.’ Tinatawanan na lang namin.
 
“May mga namba-bash, pero mas maraming mas okay naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Maris sa set ng ASAP noong Linggo, August 20.
 
SUPER FRIENDS. Nag-post noon si Diego sa kanyang Instagram para i-promote ang Maalaala Mo Kaya episode nina Maris at Iñigo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa ito sa nagpaugong sa balitang nagli-link kina Maris at Diego.
 
Reaksiyon dito ng young actress, “May mga tao talaga na di ma-gets kung ano yung totoong friendship and friendship na may something.

“Kami ni Diego, super friends lang talaga.”

Dahil tinutukso at nali-link din siya kay Iñigo, nilinaw ni Maris na hindi nanliligaw sa kanya ang actor-singer.
  
“Wow… walang ganun, sobrang natuwa lang kami na nagka-work kami, masaya lang. 

“Close kami ever since, di lang kami nagkakatagpo sa showbiz na work, so parang casual-casual lang.

“Ngayon, nagkasunud-sunod ang work namin, like sa concert, sa mga kanta-kanta, ganun.”

May pag-asa kaya si Iñigo kung manligaw ito sa kanya?

Tugon ni Maris, “Ayokong magsabi na magbibigay na motibo or mag-block.

“Basta okay ako ngayon, I am okay, time muna sa myself.

“Kasi these past few months, na-burn out ako kakatrabaho, sunud-sunod talaga.

“Gusto ko munang mag-enjoy since isa lang ang ginagawa ko ngayon.

“Maraming free days, so gusto ko siyang i-enjoy.”

Paano naman kung sakaling break na nga sina Diego at Sofia, at manligaw ang binata sa kanya?

Natawa si Maris at sinabing, “Ay, hindi ko alam sa kanya, friends lang talaga kami!

“Ang awkward lang.

"Develop? Di ko alam, pero ngayon, I’m sure talaga na friends lang kami."

Nagbigay rin ng mensahe si Maris sa Sofiego fans kaugnay ng pinagdadaanan nina Sofia at Diego.

Aniya, “Gusto kong mag-sorry sa gulong nangyayari.

“Kung anuman yung problem na pine-face ninyo sa idols ninyo, sana hindi ninyo masyadong isipin.

“Isipin ninyo na lang na may work sila together.

“Kung gusto ninyong magtuluy-tuloy sila, please suportahan ninyo sila.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN