Myrtle Sarrosa hurt by bashing that friend Nadine Lustre is getting

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Myrtle Sarrosa aghast that her friend Nadine Lustre is getting bashed because of her candid statements. "She's just embracing yung self niya talaga. I don't think there's anything wrong embracing yung confidence and sexiness niya," Myrtle declares.


Isa si Myrtle Sarrosa sa pinakamalapit na kaibigan ni Nadine Lustre sa showbiz.

Sunud-sunod ang mga negatibong isyu kaugnay sa diumano'y malalaking pagbabago ni Nadine ngayon.

Pagtatanggol naman ni Myrtle, “Changes? Si Nadine, she’s just embracing yung self niya talaga.

“Totoo naman na sexy talaga, kaya nga siya nanalo ng number one sexiest.

“I don’t think there’s anything wrong embracing yung confidence and sexiness niya.”

Ang tinutukoy ni Myrtle ay ang pagkakahirang kay Nadine bilang FHM Sexiest Woman ngayong taon.

Eight years na raw silang magkaibigan ni Nadine.

Kuwento ni Myrtle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’ve known her since I was 14.

“Di nga kami nagkakasama kasi we’re both busy with our separate careers.

“Pero kahit di kami nagkikita, magkaibigan pa rin kami. Nagri-reach out pa rin kami sa isa’t isa.

“Sa totoo lang, pag nababasa ko yung mga negative kay Nadine, hurt ako.

“Kasi yung ibang mga tao, they think na porke’t artista, hindi na nakakaramdam ng sama ng loob pag naba-bash.

“Hindi, e, they don’t know her personally, and I know her personally, and she’s a very good person talaga.”

Isa sa pahayag ni Nadine na naging kontrobersiyal ay normal na raw ngayon ang pagli-live in ng mga magkarelasyon.

Katakut-takot na pambabatikos mula sa netizens ang natanggap nito.

Nabuo kasi sa isip ng marami na malamang ay living-in na sila ng boyfriend na si James Reid.  

Reaksiyon dito ni Myrtle, “Whatever decision naman ang gawin ng isang tao sa kanyang buhay, bigay na lang natin sa kanila yun.

“Kung anuman ang mga decisions nila, sa kanila na yun.

"Respect na lang natin yung decisions nila.” "

OUTSTANDING GRAD. Cum laude si Myrtle nang magtapos sa kursong Mass Communication sa University of the Philippines ngayong taon.

Natutuwa raw ang aktres na marami sa mga kapwa niya artista ang nai-inspire sa kanyang pagtatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Ginawa ko yung studies ko kasi gusto ko mas ma-improve ang sarili ko.

“Parang mayroon pa akong kailangang i-improve sa sarili kaya ako nag-decide i-pursue uli yung studies ko.

“Eventually na lang nung grumaduate na lang ako, dun na lang yung ibang mga artists.

“Like, recently, si Francis Magundayao nagsabi sa akin, ‘Alam mo, Myrtle, nakaka-inspire yung ginawa mo.’

“Ngayon, pati sila daw nag-aaral na din.

"Yung ibang mga kasamahan kong artists, nagme-message sa akin. Di sila makapaniwala na nagawa ko na napagsabay ko

"I’m glad na may ibang artists na na-inspire din."

Para kay Myrtle, malaking bagay din na wala siyang boyfriend nung nag-aaral siya.

“Nung pa-end na yung college ko, halos wala na talaga akong love life at all.

“Yun din ang nakatulong sa akin para matapos siya na nandun yung whole heart ko, saka sa trabaho ko.

“Nung time na yun, walang kumakatok sa puso ko,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN