Lotlot de Leon reunites with her biological mother after 26 years

IMAGE Instagram

Actress Lotlot de Leon met her biological mother Eva Rodriguez during her recent trip in the United States. It was 26 years ago when Lotlot first met the woman who gave birth to her.


Makalipas ang 26 taon ay muling nagkita ang aktres na si Lotlot de Leon at ang kanyang biological mother na si Eva Rodriguez.

Naganap ang pagkikita ng mag-ina sa California, USA, noong Sabado, August 19.

Nasa Amerika si Lotlot dahil sinamahan niya ang anak na si Janine Gutierrez para sa recording nito ng theme song ng upcoming TV project niyang na Sunshine In sa GMA Network.

Kasama rin nila ang nag-iisang anak na lalaki ni Lotlot na si Diego Gutierrez at isang talent manager ng GMA-7.

Nasa Amerika na sila nang nag-text si Lotlot sa kanyang Mama Eva na naroroon silang mag-iina sa Los Angeles.

Sa San Diego, California, naka-base ang biological mother ni Lotlot.

Kuwento ni Lotlot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Tinext ko siya, nandun na ako.

“Sabi ko, ‘Ma, I’m here, but I’m only staying till Sunday, if you wanna come and see us.’

“Sabi niya, ‘Siyempre!’”

August 15, Martes, sila bumiyahe patungong Amerika; at umuwi silang mag-iina noong Lunes, August 21.

Hindi raw alam ni Mama Eva na pupunta sila sa Amerika, two days na sila sa U.S. nang i-text ito ni Lotlot.

“Saturday ko na siya nakita, the day before we were going to leave [pauwi ng Pilipinas].

“Pinuntahan niya kami, by car,” kuwento ng 46-year-old actress.

Halos tatlong oras daw ang biyahe mula San Diego patungo sa kinaroroonan nina Lotlot sa California.

“We met at Salt Air restaurant by Venice Beach in California, kasi may mga video footage pa si Janine na kinunan in the morning, parang behind the scenes,” banggit ni Lotlot.

THE FIRST MEETING. Ayon kay Lotlot, 1991 niya unang nakita ang kanyang Mama Eva sa San Diego, California.

“We had a show, kasama ko si Janine, baby pa si Janine nun,” sabi niya.

Sa pagkakasabi raw sa kanya dati ni Mama Eva ay 1972 ito nagtungo at nanirahan sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-trace ni Lotlot kung nasaan ang biological mother niya dahil pinuntahan noon ni Mama Eva si Pilita Corrales nang nagkaroon ng show sa California ang Asia’s Queen of Song.

Si Pilita ang ina ng dating mister ni Lotlot na si Ramon Christopher.

“Nagpakilala siya,” sabi ni Lotlot.

THE SECOND MEETING. Paano ang senaryo sa pagkikita nila noong Sabado?

“Kasi nakatalikod ako sa door, Janine, Diego and me [sa table], and then when Janine looked up, I knew that it was her already who entered the door. So I looked.

“I’m happy to see her,” ani Lotlot.

Ano ang pakiramdam niya sa pagkikita nilang muli?

“Masaya naman, masaya naman!

"Happy that she met the kids, 'coz I want the kids to know also their roots."

Umiyak ba siya?

“Pinigilan ko ang sarili ko!” natawang sabi ni Lotlot.

Si Mama Eva?

“Yeah, she was teary-eyed nung una, tapos umiiyak na nung matagal na, nung padulo na, iyak na nang iyak.”

Kahit unang beses nakilala nina Janine at Diego ang kanilang biological grandmother ay wala raw pagka-ilang o awkward moment na naganap.

“They were listening to our stories.”

Alam daw ni Mama Eva na artista na rin si Janine sa Pilipinas.

“She seems very proud naman.”

Ayon pa kay Lotlot, “I wanted her to meet her grandchildren, gusto kong makita niya at makilala niya ang mga bata.”

Kahit noong una at itong recent na pagkikita nina Lotlot at Mama Eva ay walang naganap na “tanungan”?

“Hindi ko na inilagay sa ganun [na sitwasyon].”

Walang mga katanungan si Lotlot sa kanyang ina?

“Wala na.

“Noong una, nung hindi ko pa siya nakikita personally, on the phone, ‘Sino ang tatay ko, anong nangyari?’ ganyan.

“Sa phone ko siya tinatanong dati nung hindi pa kami nagkikita personally.

“In-explain naman niya na I was, iyon na nga, I was given away by her mom, without her knowledge.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Labag daw sa loob ng ina ni Lotlot ang mga naganap sa nakaraan.

“Kumbaga, wala na rin siyang nagawa.”

Si Lotlot ay inampon ng Superstar na si Nora Aunor at ng dati nitong asawa na si Christopher de Leon.

MOMMY EVA. Matagal man silang hindi muling nagkita ay regular naman daw ang palitan nila ng e-mails.

May American husband na raw ang biological mother ni Lotlot.

“Meron siyang anak sa first husband niya, Amerikano din.”

Wala raw anak si Mama Eva niya sa mister nito ngayon.

Nagtatrabaho raw sa gobyerno ng US si Mama Eva sa San Diego.

Kasama ni Mama Eva ang American husband nito nang puntahan niya sina Lotlot, Janine, at Diego.

“Mabait, mabait,” patungkol ni Lotlot sa asawa ngayon ng kanyang ina.

Umabot daw ng tatlong oras ang pagkikita nilang mag-ina at ng maglo-lola.

“Ang dami niyang kinukuwento, Janine said nga na she’s funny.”

Paano sila nagpaalaman?

“Yakap, yakap na mahigpit sa mga bata tsaka sa akin.”

Muling makikipagkita si Lotlot sa biological mom niya sa US September 14.

May screening ang indie movie na pinagbibidahan ni Lotlot, ang 1st Sem, sa The Art Theater, 2025 E. 4th St., Long Beach, California.

“Manonood siya ng 1st Sem.”

Sa susunod na pagkakataon ay nais rin ni Lotlot na makilala ni Mama Eva ang dalawa pa niyang anak na sina Jessica at Maxine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN